top of page

Lalong paglamig ng panahon, posible sa mga susunod na araw — PAGASA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 7, 2021
  • 1 min read

ni Jasmin Joy Evangelista | December 7, 2021



Nagpaalala ang PAGASA na lalo pang lalamig ang temperatura sa mga susunod na araw dahil sa pag-iral ng northeast monsoon.


Maaga umanong umiral ang hanging amihan dahil ito ay dating nangyayari tuwing buwan ng Enero, ayon kay PAGASA weather specialist Aldczar Aurelio.


Ayon pa sa PAGASA, posibleng makapagtala ng 18 hanggang 19 degrees celsius sa Metro Manila sa mga susunod na araw habang sa Baguio City at mga kalapit na lugar naman ay posibleng maitala ang 10 degrees celsius o mas mababa pa.


Samantala, nagpapaalala rin ang PAGASA sa pagsusuot ng makakapal na damit lalo na kung umuuwi nang gabi o lumalabas tuwing madaling araw dahil sa posibleng sakit na dulot ng sobrang lamig na panahon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page