top of page

Lalo na raw kung toxic ang relasyon, Jennylyn… DENNIS, PABOR SA DIVORCE BILL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 8, 2024
  • 1 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | June 8, 2024



Showbiz Photo

Naitanong namin kay Papa Dennis ang kanyang opinyon sa mainit na isyu tungkol sa divorce bill.


Sey nito, “Mixed emotions ang opinion ko d’yan. Of course, pabor ako sa forever at sa kasagraduhan ng kasal. Pero inuunawa ko rin ‘yung mga nagpakasal na nasa toxic relationship, lalo na ‘yung mga babaeng nakakaranas ng hindi maganda sa mga asawa nila.

Kung divorce ‘yung sagot para makawala sila sa ganu’ng sitwasyon, siyempre, agree tayo.”


Nai-share ni Dennis na maayos na maayos ang relasyon nila ni Jennylyn Mercado.


Bilang asawa ay wala raw siyang masasabi sa ‘openness at harmonious’ setup nila, kahit pa nga raw nagkakasama sila sa isang project gaya ng ginagawa nilang movie ngayon.


Sey ni Dennis, “We see to it na nakahiwalay talaga ‘yung professional being namin sa pagiging mag-asawa namin.”


At dahil malapit na ang Father's Day, mas higit daw niyang nararamdaman ang kanyang pagiging ‘ama’ sa kanyang mga anak. 


Hindi man daw siya nag-e-expect ng kahit ano, pero ang sarap-sarap daw sigurong maramdaman ‘yung ma-surprise s’ya ng mga anak on said day.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page