Lalamove rider binaril, motor tinangay ng holdaper
- BULGAR

- 6 hours ago
- 1 min read
ni Janice Baricuatro @News | July 12, 2026

Photo: File
Sugatan ang isang 23-anyos na Lalamove rider matapos barilin ng holdaper na tumangay sa kanyang motorsiklo habang bumibiyahe sa Brgy. Conchu, Trece Martires City, madaling-araw.
Ang biktima ay kinilalang si alyas Rodmar, 23. Patuloy siyang inoobserbahan sa Gen. Emilio Aguinaldo Memorial Hospital. Inaalam naman ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek na nakatakas matapos ang krimen.
Ayon sa imbestigasyon, ala-1:50 ng madaling-araw, minamaneho ng biktima ang kanyang motor nang harangin ng suspek na sakay din ng motorsiklo. Agad siyang binaril at nang bumagsak ay tinangay ang kanyang motorsiklo. Iniwan naman ng suspek sa lugar ang sariling motorsiklo na may plate number P3541 F bago tumakas.





Comments