top of page
Search
  • BULGAR

Lalaking walang sabit, makikilala next year kaya ‘di dapat pumayag na maging kabit

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | October 19, 2021





KATANUNGAN

  1. Mahigit apat na taon na nang nagkakilala kami ng boyfriend ko at ang alam ko ay hiwalay siya sa legal wife niya, pero matagal na kami nang malaman kong hindi pa sila hiwalay. Gusto kong malaman kung kami ba ang para sa isa’t isa at siya na ba ang itinakda sa akin dahil kung sila pa rin ng asawa niya, tatanggapin ko na kung saan siya magiging masaya ay ganundin ako.

  2. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang malaman kung ang mag-asawa ba na nagkahiwalay ay parehong hindi maganda at hindi maayos ang Marriage Line o kahit isa lang sa kanila ang hindi maayos ang Marriage Line, magkakahiwalay din ba sila?

  3. Sa kabilang banda, kung halimbawang parehong maayos ang Marriage Line at ng mag-asawa, pero dahil maraming nanggugulo o nakakaimpluwensiyang tao sa kanilang relasyon, maghihiwalay din ba sila?

KASAGUTAN


  1. Ang totoo nito, halimbawang sinasabi ng boyfriend mo na hiwalay siya sa kanyang asawa at nakita mong kapwa maganda ang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan niyang palad at nagkataong maganda rin ang kanyang Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow b.), hindi nabiyak, naputol o nasira, ibig sabihin nito ay maaaring hindi siya nagsasabi ng totoo sa iyo. Sapagkat ang ibig sabihin ng magandang Heart Line (arrow b.) at magandang Marriage Line (arrow a.) ay patunay ng maayos, stable at successful na family life.

  2. Huwag mo nang intindihin ang hitsura ng Marriage Line o Heart Line sa palad ng misis niya dahil ang totoo, kani-kanya ‘yan ng dinadala at alalahanin sa buhay. Maaaring pangit ang Marriage Line ng kanyang asawa dahil hirap na hirap siya sa kabubuhat o kadadala ng mga problema nila sa pamilya. At sa kabila nito, ang asawa niya na parelaks-relaks at buhay binata ay pinagkalooban ng magandang Marriage at Heart Line dahil ang totoo nito, puwedeng sabihing hindi naman niya iniinda ang mga problema sa pamilya, sa halip, nagpapakaligaya at nag-e-enjoy pa rin siya sa buhay.

  3. Kani-kanya tayo ng guhit ng palad, gayundin kung paano in-a-appreciate ito at kani-kanya rin tayo ng tadhana at kapalaran. Dagdag pa rito, iba ang pag-appreciate mo sa isang sitwasyon at maaaring kahit parehong sitwasyon, iba rin ang pag-appreciate ibang tao.

  4. Sa mas klarong paliwanag, maaaring namatay ang mahal na alaga mong aso at isang linggo kang umiyak, habang alaga ko rin naman ang nasabing aso, pero isang araw lang akong umiyak at inilibing ko na agad. Bagama’t pareho nating aso ang namatay, dahil magkaiba tayo ng guhit ng palad, masyado kang sentimental habang ako naman ay hindi, bagkus ay praktikal ang porma ng aking Head Line, darating ang napakaraming problema sa buhay, lulugo-lugo ka at parang pinagsakluban ng langit at lupa, habang ang asawa mo namang “square hand o elementary hand”, parang wala lang sa kanya ang mabibigat na problemang araw-araw na dumarating sa inyong pamilya.

  5. Kaya kung wala kang makitang maganda at matinong Marriage Line (1-M arrow a.) at hindi maganda ang Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad at pagkatapos ay may Influence Line ka pa, na tinatawag ding Guhit ng Immoral na Relasyon (I-I arrow d.) sa kaliwa at kanan mong palad, ito ay kasiguraduhan na tama ang sinasabi mo sa iyong sulat na ngayon pa lang ay tanggap mo na ang nakatakda mong kapalaran, na sinundan mo ng isa pang pagtanggap na kung saan siya masaya ay masaya ka na rin.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Tunay ngang masarap umibig at magmahal dahil ang totoo nito, ang nasabing pag-ibig ay sadyang nakakalasing o sabihin na nating nakakabaliw. Gayunman, minsan ay dapat tayong gumising sa katotohanan, na ang maling pag-ibig at pakikipagrelasyon, sa bandang huli ay sa pagtatalusira, pagsisisi at kalungkutan din hahantong.

  2. Kaya wala kang dapat gawin ngayon, Sarah, kundi wakasan na ang kasalukuyang pakikipagrelasyon mo sa may asawa na, upang sa susunod na taong 2022 ay makalaya at makatagpo ka na ng isang bago at mas maaliwalas na pakikipagrelasyon, na hatid ng binatang nagtataglay ng zodiac sign na Scorpio.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page