top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Lalaking wa’ sabit, swak at sure na makakatuluyan

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 7, 2023
3 min read

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Numero | October 07, 2023


Dear Maestro,


Sa aming probinsya, pinipilit akong ipakasal ng mga magulang ko sa isang lalaking hindi ko naman gusto, kaya lumayas ako ru’n. Pagdating ko naman dito sa Cavite, nakahanap agad ako ng trabaho bilang katulong. Ang problema, may nagugustuhan akong lalaki ngayon, pero may asawa at dalawang anak na siya.


Pero sabi niya, kung sakaling tanggapin ko siya, handa niya umanong iwan ang kanyang asawa para sa akin. Hindi ko alam kung seryoso siya sa sinasabi niyang ito, pero kung ako ang tatanungin, napamahal na rin naman ako sa kanya at gusto ko na siyang mapangasawa.


Itatanong ko kung siya na ba ang lalaking itinakda sa akin ng kapalaran o ang lalaking naghihintay pa rin sa akin sa probinsya? May nasagap kasi akong balita na hanggang ngayon umano ay hinahanap pa rin ako ng mga magulang ko at magulang ng lalaking may gusto sa akin para ipakasal kami.


Sino sa dalawang lalaking ito ang aking mapapangasawa? August 11, 1999 ang birthday ko, habang ang lalaki na inirereto sa akin ay April 16, 1990 ang birthday, at ito namang manliligaw ko na may asawa na — pero hindi ko pinapahalata sa kanya na gusto ko rin siya — ay isinilang naman noong December 2, 1989.

Umaasa,

Leslie ng Talaba, Bacoor, Cavite

Dear Leslie,


Ayon sa zodiac sign mong Leo, kapwa mo ka-compatible ang dalawang lalaking sinasabi mo, sapagkat sila ay isang Sagittarius at Aries. Naging ka-compatible mo silang dalawa dahil ang zodiac sign mong Leo, gayundin ang Sagittarius at Aries ay may iisang elementong tinataglay – ang elementong fire o apoy, kaya naman compatible kayo.


Habang sa Numerology, hindi maiaalis na ka-compatible mo rin silang dalawa o silang may birth date na 7 at birth date na 2 katulad mo.


Nangyaring 2 din ang birth date mo dahil ang 11 ay kinokompyut ng ganito, 1+1=2.


Ibig sabihin, pare-pareho kayong may “weak number” na tinatawag, kaya magkakatugma at magkaka-compatible kayo.


Sa madaling salita, kung isasantabi muna natin ang moralidad, kahit sino sa dalawang lalaki na binabanggit mo ay puwede mo talagang piliin na makasama habambuhay.


Pero, nagkataong may asawa na si December 2, 1989 kaya naman sa umpisa pa lang, habang nililigawan ka niya ay mali na ang nasabing pag-ibig at alam naman nating lahat na kapag mali at hangal ang papasukin mong relasyon, ito ay masasabi pa ring malaking kahangalan at hahantong ang ganyang samahan sa isang malaking pagkakamali.


Samakatuwid, iwasan mo na ang lalaking may asawa upang hindi ka magkasala at hindi rin naman siya magkasala sa kanyang asawa at mga anak.


Pagkatapos, kung ang lalaking naghihintay sa iyo sa inyo probinsya na medyo malaking lalaki, maitim ang kulay ng balat, matigas o kaya'y medyo kulot ang buhok, tiyak na ang magaganap – ang lalaking matagal ng naghihintay sa iyo ang siya mo na ngang mapapangasawa. At sa araw ng inyong kasal habang nakaharap ka sa altar, maibubulong mo sa iyong sarili ang: “Tama si Maestro Honorio Ong, minsan ang kapalaran pala ay hindi talaga maiiwasan!”


Sabi nga ng French poet na si Jean La Fontaine, “A person often meets his destiny on the road he took to avoid it.”


Kaya anumang iwas ang gawin mo kay Mr. Aries, sa bandang huli, wala kang magagawa sa nakatakda dahil siya na ang mapapangasawa at makakasama mo sa pagbuo ng isang maligaya at panghabambuhay na pamilya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page