top of page
Search
  • BULGAR

Lalaking suko na sa trabaho, pangingibang-bansa ang way upang umasenso

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | Ika-16 Araw ng Abril, 2024



 


KATANUNGAN

  1. Dati akong security guard. Nag-resign ako dahil madalas akong madamay sa gulo na hindi naman ako ang may pakana. Sa construction site ako madalas madestino, kaya madalas din akong masangkot sa gulo. Isang beses, may nangyaring nakawan sa binabantayan ko at isa ako sa nadamay. Subalit, ang totoong gumawa ng krimen ay ‘yung kontratista.

  2. Sa ngayon, naghahanap na naman ako ng trabaho, pero parang wala ring patutunguhan ang pagse-security guard ko dahil kahit may mga ahensya tatanggap sa akin, hindi naman sila nagpapasuweldo nang maayos, ayon sa mga empleyado nila na nakakausap ko.

  3. Maestro, saang larangan ako higit na uunlad at magkakaroon ng matinong career? Sekyu pa lang ang napapasukan ko. Balak ko sanang mag-abroad kung sakaling puwede na, may maganda ba akong future sa pangingibang-bansa?

 

KASAGUTAN

  1. Tama ang naisip mo, Christian, mas uunlad at higit kang aasenso sa pag-a-abroad kesa sa pagsesekyu. Ito ang nais sabihin ng maaliwalas at malawak na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, may mabunga at mabiyayang pangingibang-bansa na itatala sa iyong karanasan.

  2. Ang pag-aanalisang makakapag-abroad ka ay madali namang kinumpirma ng birth date mong 14 sa zodiac sign na na Scorpio. Ibig sabihin, tibayan mo ang iyong loob at damdamin. Sa pamamagitan ng pagsisikap sa ibayong-dagat, ang destinasyon ng iyong kapalaran at sa nasabing gawain o larangan ka uunlad hanggang sa tuluyan kang makaahon sa kahirapan at ganap na umasenso. 


MGA DAPAT GAWIN 

  1. Ang kailangan mo lang baguhin bago ka mag-apply sa ibang bansa ay ang lagda mo, kung saan bahagyang inobasyon lang ang kailangan. Sa halip na ibalikwas patungo sa direksyong kaliwa ang dulong bahagi ng letrang “a”, ‘wag mo na itong ituloy. Sa halip,  idiretso mo na ito sa direksyong kanan. Sa ganyang diskarte, matutuwid at maaayos na rin ang iyong career na magsisimulang umunlad at umasenso.

  2. Ayon sa iyong Travel Calendar, ang pagdating ng magandang career o propesyon ay nakatakdang mangyari at maganap sa susunod na taon sa buwan ng Setyembre o Oktubre sa edad mong 28 pataas. 


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page