Lalaking masamang tumingin, kinatay ng kapitbahay
- BULGAR

- 21 hours ago
- 1 min read
by Mai Ancheta @News | September 1, 2026

Photo: File
Patay ang isang 20-anyos na lalaki makaraang suntukin at saksakin ng edad 28 na kapitbahay sa Brgy. Kalasungay, Malaybalay City, Bukidnon nitong Linggo ng gabi.
Batay sa imbestigasyon, sinugod umano ng lasing na si "Jason" ang biktimang si "Glory" sa kanilang bahay at kinompronta.
Sinuntok umano ng suspek ang biktima saka pinagsasaksak sa likod at mabilis na tumakas.
Agad namang isinugod sa pagamutan ang biktima subalit hindi na umabot nang buhay.
Naaresto ang suspek sa kanilang bahay at nakuha ang patalim na ginamit sa krimen.
Ayon sa suspek, napundi na ito sa madalas na masamang tingin umano sa kanya ng kapitbahay at nakaramdam ng pagkainsultokaya kinompronta niya ito na nauwi sa pananaksak.





Comments