top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Lalaking isinilang sa buwan ng mayo, swak sa bebot na worried tumandang dalaga

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 16, 2024
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Inyong Numero | January 16, 2024


Dear Maestro,


Isinilang ako noong November 23, 1996 at maraming beses na akong nagkaroon ng karelasyon, pero ang mga relasyong ito ay hindi nagtatagal. Bakit kaya?


Imagine, umabot ako sa edad na 27 pero wala pa rin akong stable relationship.


May stable job naman ako ngayon, ang talagang pinoproblema ko lang ay natatakot akong tumandang dalaga.


Nasa numero ba ng aking birth date na ako ay tatandang dalaga? Kung sakali namang hindi, kailan kaya ako makapag-aasawa?

 

Umaasa,

Sofia ng Bagbag, Novaliches, Quezon City

 

Dear Sofia,


Hindi ka tatandang dalaga, dahil bihira sa mga taong may birth date na 23 ang tumatandang dalaga, bagkus nasa pagitan ng Scorpio at Sagittarius ang tumatandang dalaga, dahil ikaw ay nasasakupan ng planetang Mars at Jupiter dahil ang zodiac sign mo ay nasa pagitan ng Scorpio, Sagittarius at Mercury dahil sa birth date mong 23 o 5 (ang 23 ay 2+3=5), bibilis ang kaganapan sa iyong buhay pag-ibig at pakikipagrelasyon na hindi mo halos magagawa o matatanggihan.


Sa matuling salita, kapag namayani sa iyo ang ruling planet na Mercury na bitbit ng birth date mong 23 at ang ruling planet na Jupiter at Mars na bitbit naman ng zodiac sign mong nasa pagitan ng Sagittarius at Scorpio, magugulat ka sa pangyayari sa iyong buhay dahil sa isang iglap, bigla kang makapag-aasawa.


Ang pag-aanalisang nabanggit ay mas tiyak na magaganap kung ikaw ay mahilig sa mga kulay na pula at alahas na silver kung saan ang pula ay tugma sa kapalaran ng zodiac sign na Scorpio at Sagittarius, habang sa alahas na silver ay tugma sa kapalaran ng numerong 23. 


Ang tanong mo na kung bakit marami ka nang nakarelasyon pero sa kabiguan pa rin nauuwi ang lahat? Madali lang ang sagot, at ito ay dahil nababoy o pumangit kasi ang iyong lagda. Nakikita mo ba ang malaking bilog sa unahang bahagi ng iyong pirma na letrang “S”? ‘Yan ay paglalarawan ng unconscious mong isipan na hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa iyong alaala at pagkatao ang mga nakaraang kabiguan sa buhay, kaya hindi ka maka-move on ngayon.


Subalit isang tulak na lang ng pagpapasya at lakas ng loob, sa pamamagitan ng pag-aayos ng iyong pirma na sa halip na guluhin ang unahang letrang “S”, gawin mo itong simpleng S at isipin mong ikaw ay bagong nilalang upang mas maligayang pag-ibig ang dumating sa iyo.


Ayon sa iyong Love Calendar, nakatakdang dumating at mangyari ito sa taong 2026, sa edad mong 29 pataas, partikular sa buwan ng Marso hanggang Abril. Ang lalaking isinilang sa buwan ng Mayo ay siya mo na ngang magiging last boyfriend at ang nasabing relasyon ay nakatakda na ring humantong sa isang masaya at panghabambuhay na pag-iibigan.

 

 


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page