Lalaki, patay matapos bugbugin habang pauwi mula diskohan

by BRT @News | October 3, 2026

Photo: Circulated
Patay ang isang lalaki matapos umanong bugbugin ng isang lalaki habang pauwi mula sa diskohan sa Sityo Guimbal, Barangay Canamucan, Compostela, Cebu, alas-4:15 ng madaling araw noong Miyerkules, Setyembre 30.
Kinilala ang biktima na si Joselito Sanico, may asawa at empleyado sa isang food manufacturing company. Nagtamo siya ng matinding pinsala sa ulo at katawan at idineklarang dead on arrival sa ospital sa Danao City.
Ayon sa pulisya, galing sa fiesta at diskohan ang biktima at naglalakad pauwi nang sundan umano siya ng suspek na si alyas Rod, 35. Nagkaroon umano sila ng pagtatalo bago siya suntukin sa mukha at katawan.
Bumagsak si Sanico at tumama ang ulo sa sementadong kalsada. Naaresto naman ang suspek sa isinagawang hot pursuit at nahaharap sa kasong homicide.





Comments