top of page

Lalaki, nahulog sa dyip sa sobrang antok

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 9, 2020
  • 1 min read

ni Thea Janica Teh | October 9, 2020




Ikinagulat ng mga pasahero ang nangyari sa isang lalaking biglang nahulog mula sa pagsabit sa sinasakyan nilang dyip sa Dasmariñas, Cavite ngayong Biyernes.


Nahulog umano ang lalaki dahil sa sobrang kaantukan.


Makikita sa isang CCTV footage na bigla na lamang nahulog ang pasahero sa may Pala-Pala intersection. Hindi agad nakatayo ang lalaki matapos mapahiga sa kalsada.


Agad na nilapitan ng mga nakakita ang lalaki at isinugod sa ospital.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page