top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Lalaki nag-bomb joke sa mall, arestado

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 12, 2023
1 min read

ni Benjamin Chavez | March 12, 2023




Inaresto ang isang lalaki matapos magbiro na may bomba siya sa katawan sa isang mall sa Calamba City, Laguna.


Ayon kay Liezel Conception Baeza, kinatawan ng mall, personal siyang nagtungo sa himpilan ng Calamba City Police Station at dinala ang suspek na si Fernan Manaig para sa imbestigasyon at tamang disposisyon.


Ayon sa guard, papasok na sana ang suspek sa mall ngunit paulit-ulit na hinila ng suspek ang kanyang damit at dalawang beses na sinabi na may bomba siya sa katawan, na nag-udyok sa guard na hindi payagan ang suspek na makapasok.


Gayunman, sa kabila ng babala na huwag pumasok, nagpupumilit ito na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page