top of page

Lalaki, kulong sa sextortion

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 22, 2024
  • 2 min read

ni Angela Fernando - Trainee @News | January 22, 2024




Naaresto ang isang lalaking nangbiktima ng sextortion ng kanyang biktimang nakilala niya sa social media.


Sinubukan pang manlaban ng suspek ngunit wala na ring nagawa matapos na pigilan ng tatlong pulis at padapain sa Bago Bantay sa Quezon City.


Nakuha sa lalaki ang cellphone na hinihinalang gamit nito pangkuha ng mga pribado at malalaswang video nila ng kanyang biktima.


Ayon sa pagsasalaysay ng 35-anyos na biktima na kinilala sa alyas "Francis", Disyembre 16 nu'ng nakilala nito ang suspek sa social media.


Nag-aya raw siyang makipagkita at may nangyari sa kanila ng mismong gabing iyon at doon na siya nakuhanan ng video.


Sinubukan daw i-deny ng suspek ang ginagawang pagkuha sa kanya ng video matapos niya itong tanungin at sinabing nanonood lang daw ito ng porn.


Sa kasunod na araw ng kanilang pagkikita, nagsimula na raw itong hingan si Francis ng pera para hindi nito ipakalat ang video online.


Naging araw-araw na ang panghihingi ng suspek hanggang umabot na sa P35 K.


Hindi raw sumagot ang biktima sa suspek nitong Enero dahil siya ay nag-abroad ngunit pinuntahan daw siya nito sa kanyang bahay at doon na niya pina-barangay ang suspek..

Nangako naman ang suspek sa barangay gamit ang isang kasulatan na hindi niya na uulitin ang ginawa at hindi na ito pupunta sa bahay ng biktima.


'Di pa rin dito natigil ang suspek dahil isang nagpakilalang kaibigan nito ang nag-send sa kanya ng screenshot ng nasabing video at nagsimula na ring manghingi ng pera.


Nagpasya na ang biktimang magsumbong sa mga pulis matapos siyang isali ng suspek sa isang app kung saan nag-aalok ng mga sexual services.


Agad namang ikinasa ng mga operatiba ang entrapment at kasalukuyan ng nakakulong sa Camp Crame ang suspek.


Sinampahan ng kasong robbery extortion sa ilalim ng Article 294 ng Revised Penal Code, grave coercion, at Safe Spaces Act ang suspek, ayon sa hepe ng cybercrime response unit ng PNP-ACG na si Police Colonel Jay Guillermo.


Ayon sa PNP Anti-Cybercrime Group, mas mabigat ang parusa sa suspek kung mapatunayang guilty ito dahil gumamit ito ng social media.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page