Lalabag sa quarantine policy sa ilalim ng MECQ, hindi huhulihin
- BULGAR

- Aug 4, 2020
- 1 min read
ni Thea Janica Teh | August 4, 2020

Hindi umano manghuhuli ang mga pulis ng mga lumabag sa quarantine policy sa Metro Manila, Bulacan, Laguna, Cavite at Rizal, ayon kay National Police Chief Archie Gamboa.
Naiintindihan umano ng PNP na alam na at gamay na ng mga residente ang polisiya sa ilalim ng modified enhanced community quarantine dahil nalagpasana na at nakarating na umano ito sa relaxed general community quarantine ng ilang linggo.
Tanging warning lamang ang ibibigay sa mga lalabag sa quarantine policy pansamantala. Ayon kay Gamboa, bibigyan ng 2-3 araw bago magsimulang mag-aresto ang mga pulis sa mga lumabag tulad ng quarantine pass, pagsuot ng face mask, pag-angkas sa motorsiklo at physical distancing.
Aniya, "Mahirap kasi parang nagsimula tayo sa una. So magsimula din muna tayo sa warning. Bibigyan natin ang publiko ng strict warning on the first initial days of violations. Kung nag-aadjust ang PNP, nag-aadjust (din ang publiko).”
Bukod pa rito, sinabi rin ng PNP chief na magsagawa ng maximum tolerance lalo na sa mga checkpoint at inaasahan na maki-cooperate ang publiko.
Samantala, hindi umano hihingi ng “timeout” ang PNP tulad na lamang ng hinihingi ng mga healthcare worker dahil sa pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
"We are not authorized to call for a time out in the PNP. We have to continue," dagdag ni Gamboa.





Comments