Lakas ng Melbourne yumanig sa Letran, UST wagi sa SSL
- BULGAR

- 1 day ago
- 1 min read
by Gerard Arce @Sports News | July 20, 2026

Photo: Bumanat ng atake si Judiel Nitura ng San Juan De Letran na 'di nadepensahan ng katunggaling si Sammy Pila ng Southern Storm - Melbourne sa mahigpit na laban sa 2026 Shakey's Super League National Invitationals Rising Stars Elite, Global Stage Collegiate Division sa Ninoy Aquino Stadium kahapon. Wagi ang Melbourne, 26-24, 25-21, 25-19. (Reymundo Nillama)
Mga laro ngayong araw
(Ninoy Aquino Stadium)
1 p.m. - CSB vs UST
3 p.m. - Enderun vs Southern Storm
5 p.m. - HCM vs Letran
Pinadama ng guest team na Southern Storm Melbourne ang katatagan upang dismayahin ang 2026 NCAA titlists Colegio de San Juan de Letran Lady Knights sa bisa ng 26-24, 25-21, 25-19, habang pinalasap ng UAAP contender UST Golden Tigresses ang bangis matapos walisin ang Enderun Colleges sa 25-18, 25-17, 25-13, kahapon sa pagbubukas ng mga aksyon ng 2026 Shakey’s Collegiate National Invitationals sa Ninoy Aquino Stadium, sa Malate Manila.
Bumida para sa Melbourne si Sammy Pila sa iniskor na 12 puntos katuwang si middle blocker Steph Baker sa siyam kung saan kinakitaan ng 29 errors ang Lady Knights.
Tinangka ng Letran na pahabain ang laro matapos madapa sa unang dalawang sets sa pagtala ng 12-6 na bentahe sa 3rd frame. Subalit hindi agad sumuko ang Southern Storm na kinontra ang mga atake ng Muralla-based lady squad at muling umariba ng birada ang Australians para tuluyang makuha ang buwenamanong panalo. Nabalewala ang 12 puntos ni Judiel Nitura ng Letran.





Comments