Lahat talaga, gagawin na para makabalik… KRIS, NAGSAYAW SA KALYE MAGKA-COMMERCIAL LANG

ni Nitz Miralles - @Bida | November 12, 2020

'Kaaliw panoorin ang video ni Kris Aquino na nagsasayaw at sa kalye pa at ginawa niya ito dahil sa Shopee.
Sabi nito, “NEVER did I think that a few months shy of my 50th birthday I’d literally be dancing on the street! But @shopee_ph inspired me to go for it. I used to say I couldn’t dance to save my soul- at least ngayon, aabot sa purgatory.”
Ang susunod nating aabangan ay ang recording ni Kris ng Christmas jingle na sabi nito, first time rin niyang ginawa.
Kahapon, dapat ay guest si Kris sa Tutok to Win, hindi lang kami sure kung natuloy siya dahil nabanggit nitong this Thursday, naka-schedule siyang sumailalim sa stroboscopy to check the state of her throat at ang kanyang vocal chords.
Ipinost ni Kris ang medical certification ng kanyang doctor na kinakailangan niyang mag-rest for two days, kaya malamang hindi siya natuloy mag-guest sa show ni Willie Revillame.





Comments