Lahat ng toll booth sa Cavitex, magiging fully electronic simula November 3
- BULGAR

- Aug 22, 2020
- 1 min read
ni Lolet Abania | August 22, 2020

Nagpalabas ng anunsiyo ang tanggapan ng Cavite Expressway (Cavitex) na lahat ng toll booths ay magiging fully electronic na simula sa November 3, 2020.
Gayundin, ipinapayo ng management ng Cavitex sa mga motorista na kumuha na ng Easytrip RFID upang mas maging maayos at hindi maantala ang pagbibiyahe sa paglabas at pagpasok sa Cavite.
Nais ng tanggapan ng Cavitex, na mabawasan ang nararanasang matinding trapiko tuwing tutungo sa naturang lugar at upang mapabilis ang biyahe ng mga motorista.





Comments