top of page
RUN WILD - BARBIE, NAPABILIB SI ALDEN SA PAGIGING WILD-IG _barbaraforteza.jpg

Lahat ng pulis na sangkot sa droga, sibakin

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 19
  • 1 min read

by Info @Editorial | May 19, 2026



Editoryal, Editorial


Nakapanlulumo ang balita na isang police officer ang nahulihan ng ilegal na droga. 

Ang pangunahing tungkulin ng kapulisan ay panatilihin ang kaayusan at protektahan ang mamamayan laban sa krimen. Ngunit paano na kung sila mismo ang nasasangkot sa ilegal na kalakalan ng droga. Sa halip na maging tagapagtanggol ng batas, nagiging bahagi sila ng problemang sumisira sa lipunan.


Malaking dagok ito sa tiwala ng publiko. Kapag ang isang alagad ng batas ay nahuling nagbenta o gumagamit ng kapangyarihan upang protektahan ang ilegal na operasyon, lumalabas na walang saysay ang kanilang sinumpaang tungkulin. Dahil dito, natatakot at nawawalan ng kumpiyansa ang mga mamamayan sa sistema ng hustisya. 


Paano mapaniniwalaan ang kampanya laban sa droga kung ang ilan sa mga nagpapatupad nito ay sangkot din?


Hindi lamang reputasyon ng kapulisan ang nasisira kundi pati ang kinabukasan ng kabataan at seguridad ng bansa. 


Ang droga ay nagdudulot ng pagkawasak ng pamilya, pagdami ng krimen, at pagkawala ng pag-asa ng maraming mamamayan. 


Kapag may pulis na kasabwat sa ganitong gawain, mas lumalakas ang loob ng mga sindikato dahil mayroon silang proteksyon mula sa mismong nagpapatupad ng batas.


Dapat maging mahigpit ang pamahalaan sa pagsugpo sa mga tiwaling pulis. Kinakailangan ang masusing imbestigasyon, tamang parusa, at tunay na paglilinis sa hanay ng kapulisan. 


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page