top of page

Lahat ng ginagawa ng misis ni Chiz, ginagaya… PIA, COPYCAT LANG DAW NI HEART

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 3, 2024
  • 3 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | September 3, 2024



Showbiz News

Iniidolo nga ba ni Pia Wurtzbach si Heart Evangelista? O sinusundan nga ba ng beauty queen kung saan may endorsements ang actress at international model?


Nitong June lang, naging “friend of the house” (endorser) si Pia ng Italian high jewelry brand na Bvlgari, na matagal nang hawak ni Heart.


Tapos nitong recent events, naging bahagi naman si Pia ng Autumn/Winter campaign ng ION Orchard – Singapore, na si Heart ang global ambassador.


Ang tanong tuloy ng ilang netizens, coincidence lang ba ang mga ito o gaya-gaya na lang talaga? May nagtatanong nga rin kung nagkakaahasan na ng mga endorsements.


Dahil dito, hindi maiwasan ng mga netizens na mag-comment na mukhang copycat si Pia ni Heart dahil pati Instagram (IG) posts ay ginagaya na raw.


Pati sa Paris Fashion Week (PFW), hindi makapigil ang mga fans na okrayin si Pia. Ang tawag nga nila rito ay “second rate.”


Anyway, depensa naman ng mga fans ni Heart, ang aktres pa rin ang legit na fashion icon para sa kanila dahil mas matagal na raw ang kanilang idolo sa industriyang ito.

Rumampa na nga si Heart sa runway sa Paris Fashion Week noong March.


Matatandaan na siya ang nag-open at naglakad sa runway para sa show ni Vietnamese designer Phan Huy. Inirampa ni Heart ang Look No. 2 mula sa Giang Lagoon collection ni Phan.


Ang Look No. 2 ay isang black dress na nagmula ang inspirasyon sa mga fishing river at fishing area sa Central Vietnam.

Pagkatapos nito, kahit wala pang pahinga, tuloy pa rin siya sa pag-attend sa ibang runway shows para sa Hermes, Yves Saint Laurent, at Giambattista Valli.



NAKARATING na kay Matteo Guidicelli ang panawagan ng TikTokerist na nagpauso ng Maybe This Time dance craze ni Sarah Geronimo, si Ralp Xyriel Villaruz.


Sa panayam ng Showtime Online U sa nasabing TikTokerist, natanong siya kung sino ang gusto niyang maka-collaborate para sayawin ang Maybe This Time, at ang sagot niya ay ang kumanta mismo ng kanta, si Sarah G.


Kaya naman binigyan siya ng pagkakataon ng mga hosts para manawagan kay Sarah.

Aniya, sa turo na rin ng mga hosts, “Miss Sarah, let’s collab soon.”


Sinabihan din siya ng mga hosts na manawagan kay Matteo, na ginawa naman niya.


“Matteo, payagan mo po si Miss Sarah na mag-collab kami,” sey ni Ralp.

Ini-repost ng isang netizen ang video ng panawagan ng creator ng viral Maybe This Time dance craze kay Sarah at naka-tag pa ito kay Matteo.


Caption ng netizen, “Pagbigyan n’yo na request n’ya, please let Sarah meet Ralp at sabay sila mag-Maybe This Time.”


Maya-maya, sumagot si Matteo at sey niya, “See you soon!”


Natuwa naman ang mga netizens sa pagpayag ni Matteo at excited na silang makita ang collab.


Narito ang ilan sa mga comments:


“‘Yun, may basbas na.”


“Wow! Hope this happens, Sir Matteo (smile emoji).”


“OMGGGGGGGG.”


“Hala! I can't wait.”


“See you AshMatt, maghihintay kami d’yan.”


Last Saturday, nag-guest si Ralp sa It’s Showtime (IS) at in full force na sinayaw ng mga hosts sa pangunguna nina Vice Ganda, Kim Chiu, Jhong Hilario, Vhong Navarro, Ion Perez, Ryan Bang, atbp. ang nasabing dance challenge kasama si Ralp.


Sa ngayon, nasa 48.7 million na ang views ng video dance na ito ni Ralp sa TikTok at napakaraming netizens at celebrities ang gumaya rito.

留言


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page