top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Laging bigo sa love life, ka-compatible ang 3rd bf kaya sure na makakatuluyan

BULGAR
Jun 13, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| June 13, 2021


Dear Maestro,


Gusto ko ring magkaroon ng simple at maligayang pamilya, pero palagi akong bigo sa pag-ibig. Third year high school ako nang una akong magka-nobyo. Hanggang college, kami pa rin ni Allan, pero sumama lang siya sa isang outing ng mga kaibigan niya at pagbalik niya, may asawa na siya. Pinikot si Allan dahil bago nangyari ‘yun, nag-inuman at nalasing sila hanggang nagalaw na niya ‘yung babae.

Mula nang mawala bigla ang aking first love, isinumpa ko na ang pag-ibig at mga lalaki, pero ‘pag tumibok ang puso ay hindi pala ito napipigil. Graduating na ako sa kursong nursing nang may manligaw sa aking medicine ang course. Kahit noong umpisa ay ayaw ko sa kanya, na-develop na rin ako sa katutukso ng mga kaklase ko. Naging kami at minahal ko siya nang labis, pero nang mag-abroad siya, wala na akong narinig sa kanya hanggang sa mabalitaan ko na nag-asawa na siya ng isang foreigner doktor din sa Canada.


Sa ngayon, may boyfriend ako, pero naguguluhan ako at naiisip ko na mauulit ang nangyayari sa akin noon. Ayaw sa akin ng parents niya dahil mas matanda ako ng dalawang taon at may sinasabi ang pamilya nila.


Naisipan kong sumangguni sa inyo, Maestro, upang malaman kung sadya bang ganito ang kapalaran ng mga Taong Tres na tulad ko, kung saan tulad ng madalas n’yong sabihin na sila ay nabibigo sa pag-ibig? Sabi n’yo, suwerte sila sa numerong three (3), kaya dapat suwertehin na rin ako sa third boyfriend ko na parang malabong manyari. Kunsabagay, hindi pa rin naman ako nawawalan ng pag-asa dahil sabi n’yo, compatible ang Cancer at Pisces. Pisces kasi siya dahil siya ay isinilang noong February 27, 1993, habang ako naman ay Cancer na isinilang noong July 12, 1990. Magiging kami ba at siya na ang mapapangasawa ko kahit maraming kontrabida sa aming relasyon?


Umaasa,

Ms. Cancer ng Talaba, Bacoor, Cavite


Dear Ms. Cancer,


Huwag kang mawawalan ng pag-asa dahil kahit hindi boto sa iyo ang mga magulang ng boyfriend mo, ang higit na mahalaga ay nagmamahalan kayong dalawa. Isa pa, tulad ng nasabi mo na, tunay ngang compatible ang zodiac sign mong Cancer sa zodiac sign niyang Pisces, sapagkat ang Pisces at Cancer ay may iisang elementong tinataglay – ang elementong water o tubig. Ang nakatutuwa pa nito, ang birth date niyang 27 o 9 (ang 27 ay 2+7=9) ay suweto rin naman sa birth date mong 12 o 3 (ang 12 ay 1+2=3) dahil kayong dalawa ay under sa tinatawag na “series of 3-6-9”.


Ibig sabihin, sa sandaling mas nanaig ang takdang kapalaran, tiyak ang magaganap sa taong kasalukuyan hanggang sa susunod na taong 2022, na siya ring pinakamasuwerte mong panahon. Ayon sa iyong Love Calendar, sa nasabing panahon sa edad mong 31 pataas, may pag-aasawang itatala sa iyong kapalaran, na nakatakdang mamunga ng isang wagas at panghabambuhay na pagpapamilya, hatid ng kasalukuyan mong boyfriend.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page