top of page
Vico Sotto - FB.jpg

Lagi raw silang nag-aaway ng madir… BEA, AMINADONG TANGA AT TAKOT IWAN NG LALAKI

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 14, 2024
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 13, 2024



Showbiz News
Photo: Bea Alonzo

Magkaibang-magkaiba raw si Bea Alonzo at ang kanyang mom na si Mary Anne Ranollo sa prinsipyo pagdating sa pag-ibig.


Tough mama ang ina ni Bea at hindi nagpapaapi sa kanyang pakikipagrelasyon. Pero si Bea, aminadong minsan ay naging tanga at duwag sa larangan ng pag-ibig. 


May isyu siya sa abandonment at takot na iwanan ng kanyang karelasyon dahil inabandona rin sila noon ng kanyang biological father. 


Madalas daw nilang pag-awayang mag-ina ang tungkol sa mga lalaking nakarelasyon niya. Sinasabi ng kanyang mom kung ayaw niya sa lalaking nagiging nobyo ni Bea.


Sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), inamin ni Bea na inayawan din niya noon ang panliligaw ng kanyang stepdad sa kanyang ina. 


Akala niya, sapat na ang magkakasama silang tatlo ng kanyang kapatid na lalaki. Siya na ang tumatayong breadwinner noon ng pamilya. 


Matagal silang hindi nag-usap ng kanyang mom dahil sa kanyang stepdad, pero nakita naman ni Bea na mahal na mahal nito ang kanyang Mama Mary Anne. 


Maraming happy memories si Bea na nai-share sa FTWBA. Isa na rito ay ang pangarap ng kanyang ina na magkaanak ng mestiza upang mai-sagala sa Santacruzan. 


Noon daw kasi ay lagi lang tagahawak ng ilaw sa Santacruzan ang kanyang ina. Tinupad ni Bea Alonzo ang pangarap ni Mommy Mary Ann na maging reyna sa Santacruzan.



BUMUHOS ang sentiments ng maraming nanay laban sa Paris Olympics 2024 two-time gold medalist na si Carlos Yulo dahil sa ginawa niyang pagsagot sa social media sa kanyang inang si Angelica Yulo. Hindi raw karapat-dapat na bigyan ng hero’s welcome ang katulad ni Kaloy na hindi nagpapakita ng paggalang at pagmamahal sa kanyang mga magulang, lalo na sa kanyang ina. 


Mas pinaboran pa nito ang kanyang nobyang Australian na si Chloe San Jose na kasama niyang bumalik ng 'Pinas kahapon.


Sey pa ng ilang nag-react na nanay, nagbigay nga si Carlos Yulo ng malaking karangalan sa ating bansa, pero malaki naman ang pagkukulang niya sa sarili niyang pamilya.


Paano raw siya iidolohin ng mga kabataan ngayon kung ganyan ang trato niya sa kanyang ina? 


Well, sa laki ng premyo na makukuha ni Carlos Yulo na umabot na raw sa P100 million bukod sa iba pang incentives, sobra-sobra na ito para sa sarili niyang pangangailangan.

Kaya may mga nagpapayo kay Kaloy na i-share niya sa kanyang mga magulang at kapatid ang mga biyaya niya ngayon upang makabawi sa kanyang mga atraso. 


Dalawa ang bahay na ibinigay sa kanya ng mga sponsors, puwede niyang ibigay ang isa sa kanyang pamilya na hanggang ngayon ay nasa lumang bahay nila sa Leveriza nakatira. 


Puwede rin niyang bilhan ng kahit na second-hand van ang kanyang mga magulang na nagko-commute lang pala ngayon kapag may pupuntahan.



DUMALO sa Senate hearing ang dalawang akusado sa kasong isinampa ni Sandro Muhlach (anak ni Niño Muhlach), pero itinanggi nina Jojo Nones at Richard "Dode" Cruz ang ibinibintang sa kanilang sexual harassment.


Hindi raw nila inabuso si Sandro kahit sila ay mga bakla. Hindi raw nila magagawa ang ibinibintang sa kanila. 


Pero, ang mga senador na bumubuo sa Senate Committee on Public Information at Mass Media ay naniniwalang nagsasabi nang totoo si Sandro Muhlach. 


Well, mukhang mahaba-haba pa ang prosesong magaganap sa kasong ito. Handa namang ilaban ito ni Niño Muhlach upang makamit ng kanyang anak ang hustisya. 


Malaki ang itinaya ni Sandro sa kanyang paglalantad at pagrereklamo laban sa mga taong umabuso sa kanya. Malaking kahihiyan ang kanyang dinanas, ganu’n din ang kanyang pamilya, kaya ipinaglaban ni Sandro ang kanyang karapatan at paninindigan niya ang mga pahayag niya sa media.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page