Lady Falcons dumapo na sa semifinals ng SSL Unity Cup

by Gerard Arce @Sports News | November 16, 2026

Photo: Sumegunda sa scoring si Shaina Nitura sa 13 puntos para sa Adamson Lady Falcons upang makapasok sa SSL semifinals. (SSLpix)
Mga laro sa Nob. 21
(Ninoy Aquino Stadium)
3 p.m. - NU vs Adamson
5 p.m. - UST vs FEU
Dumapo na rin patungo sa semifinals ang Adamson Lady Falcons matapos na tanggalin ang twice-to-beat na bentahe ng UP Lady Maroons sa bisa ng 4 set panalo sa 25-19, 22-25, 25-7, 25-16 kahapon sa sudden death quarterfinal match sa Shakey’s Super League (SSL) Unity Cup sa Muntinlupa Sports Center.
Nakatakdang makaharap ng Adamson ang five-peat seeking na NU Lady Bulldogs sa knockout semifinal match sa Sabado, Nob. 21 sa Ninoy Aquino Stadium, habang maghaharap sa kabilang bracket ang FEU Lady Tamaraws at UST Golden Tigresses.
Muling bumida para sa Adamson si Nigerian spiker Frances Mordi sa ibinarang 22 puntos mula sa 18 atake, 3 aces para pataubin ang second-seeded na UP. “I just want to give thanks to God for giving us this opportunity again. We got another opportunity to qualify. We’re just hoping for more wins in our next games, hopefully,” pahayag ni Mordi.
Sumegunda sa scoring si Shaina Nitura sa 13 puntos, na sinundan ni Third Tuddao sa 12 marka. Tanging si Jelai Gajero ang tumapos ng may doble pigura para sa UP sa 10 puntos mula lahat sa atake, habang nag-ambag si Kianne Olango ng walo.





Comments