top of page
Search
  • BULGAR

Lady Blazers, hindi basta bibitiwan ang NCAA crown

ni Gerard Arce - @Sports | July 24, 2022



Tatangkain pa ring mapanatili ng ilang season ang titulo ng College of Saint Benilde Lady Blazers matapos kunin ang makasaysayang 'season sweep' sa women’s volleyball tournament ng National Collegiate Athletics Association (NCAA).

Ito ang patuloy na ninanais nina team captain at season Most Valuable Player Francis Mycah Go at Finals MVP Jhasmin Gayle Pascual, habang umaasa si head coach Jerry Yee na makakuha pa rin ng maraming panalo at tagumpay sa batang grupo.


Nagsisimula pa lang kami,” ito ang madiing pahayag ni Go matapos ang ginawang pangwawalis sa kabuuan ng torneo, gayundin ang pagpapatalsik sa trono sa Arellano University Lady Chiefs sa pamamagitan ng iskor na 26-24, 25-12, 25-9 sa Game two ng best-of-three championship series nitong Biyernes ng hapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.


Maraming season n'yo pa kami makikita. May three years pa kami. Papatunayan naming magaling talaga kami [dahil] hindi pa po tapos 'yung sinasabi naming trabaho naming,” dagdag ng nahirang din 1st Best Outside Hitter ng liga.


Tulad ng kanyang mga kakampi at coaches, sinabi rin ni Pascual, na bumibira ng average na 15.5pts mula sa 11.5 atake, 3 blocks at 1 ace sa dalawang laro sa Finals, na pipilitin nilang mapanghawakan ang titulo sa abot ng kanilang makakaya.


Hangga’t nandito kami ipaglalaban namin yung crown na yun, popotrektahan namin yun,” dagdag ni Pascual sa koponan na mananatiling solido sa susunod na season dahil walang aalis na graduating players sa koponan.


Walang manlalaro ang aalis at gagraduate sa kasalukuyang roster ni CSB head coach Jerry Yee na nasungkit ang unang titulo matapos palitan si dating 2016 champion coach Macky Carino.


They are special batch of players sila and hopefully they stay motivated, they stay with Benilde and let’s try to win more games,” wika ni Yee na susubukang masundan ang matagumpay na kampanya sa susunod na 98th season na nakatakdang simulant sa Setyembre ng bagong host na Emilio Aguinaldo College Generals. “Kami same routine lang, sipag at tiyaga, hopefully successful pa rin ang program.”

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page