top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Labs na labs ang single mom gf, mapapangasawa kahit madami ang tumutol

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 24, 2023
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Inyong Numero | December 24, 2023


Dear Maestro, 


Single mom ang girlfriend ko at may isa siyang anak. Hindi na nagpapakita sa kanya ang ex niyang ama nu’ng bata. Compatible ba kami at kami na ang magkakatuluyan kahit maraming tutol sa aming pagmamahalan, lalo na sa side ko? Mahal na mahal ko siya at siya na ang gusto kong makatuluyan. 


August 14, 1992 ang birthday ko habang September 17, 1998 naman ang girlfriend ko.

 

Umaasa,

Jayron ng San Pablo, Dinalupihan, Bataan

 

Dear Jayron,

 

Ayon sa zodiac sign mong Leo at Sagittarius naman ang girlfriend mo, compatible ang inyong zodiac signs dahil ang Leo at Sagittarius ay kapwa nagtataglay ng elementong fire, na nagkataon pang sa Numerology, ang birth date mong 5 ay sadyang tugmang-tugma rin naman sa birth date na 17 o 8 ng girlfriend mo.


Dahil tugma ang pag-iibigan n’yo sa aspetong Numerology at Astrology, malaki ang posibilidad na sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, kayo na ang magkakatuluyan at ang bubuuin n’yong relasyon o pamilya ay tuluy-tuloy na rin sa maunlad at maligayang samahan habambuhay.


Sa sandaling kayo ang nagkatuluyan, piliin lamang ang kulay na berde, dilaw o pink para sa motif ng inyong kasal, piliin din ang nasabing mga kulay sa loob at labas ng inyong bahay. Sa ganyang paraan, habang nagmamahalan at nagkakaunawaan kayo, tuluy-tuloy din ang dating ng suwerte at magandang kapalaran, lalung-lalo na sa aspetong pananalapi at materyal na bagay.


Ibig sabihin, magkaroon man ng maraming hadlang ang inyong relasyon tulad ng nararanasan mo ngayon, sa bandang huli ay walang magagawa ang mga kontrabida sa inyong pag-iibigan dahil tulad ng nasabi na, kayo na ang itinakda ng kapalaran upang magkatuluyan. 


Ayon sa iyong Love Calendar, nakatakdang mangyayari sa susunod na taong 2024, sa edad mong 32 pataas at 26 naman ang girlfriend mo.

 


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page