top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Labs na labs ang dyowa, makakatuluyan kahit tutulan ng mga magulang

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 11, 2021
  • 3 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | November 11, 2021





KATANUNGAN

  1. May karelasyon ako na kapwa ko babae, pero hindi ito alam ng mga magulang ko. May pagka-tibo ako at ngayon ko lang ito na kinumpirma sa aking sarili dahil kahit may mga manliligaw ako noon, nakapagtataka na hindi ko sila nagugustuhan, hanggang sa naging kaibigan ko ang isang babae, na-attract talaga ako sa kanya hanggang sa maging close kami at hindi ko na naiwasang sabihin sa kanya ang aking nadarama. Noong una, nagulat siya at tinawanan lang ako, pero inamin niya na mahal niya na ako ng higit sa kaibigan. Mula noon, naging naging more than friends kami at “Love” ang tawagan namin. Sa ngayon, okey naman ang samahan namin, masaya at bihira kaming magkagalit.

  2. Maestro, kami na ba ang magsasama habambuhay at kung sakaling matuklasan ng mga magulang namin ang aming relasyon, hindi ba nila ito kokontrahin o kaya kami ay paghiwalayin?

  3. Posible rin bang magkasama kami sa iisang bubong bilang normal na mag-asawa? Balak kasi naming magsama at mag-ampon para maging kumpleto ang aming pamilya. Sa ngayon, wala pa talagang nakakaalam ng relasyon namin dahil pareho namang babae ang hitsura namin at walang nakakahalata na may tibo sa amin.

KASAGUTAN

  1. “The innumerable peculiarities of the sexual and erotic life of human beings,” ang sabi ng psychologist na si Sigmund Freud, ibig sabihin, sadyang marami at kakaibang kaganapan na pang-sexual na mahirap arukin, ang minsa’y nararanasan ng isang tao.

  2. Minsan kasi, may sumadyang nanay sa klinika ni Freud kung saan akay nito ang bading na anak. Sabi ng nanay, “Dr. Freud, puwede bang ibalik n’yo sa normal na pagkatao ang batang ito?” Nagtanong si Dr. Freud, “Baka naman masaya ang anak n’yo sa pagiging bakla?” Hindi kumibo ang nanay, nagpatuloy si Dr. Freud sa pagsasalita, “Kung masaya naman siya sa pagiging bakla at ibinalik natin siya sa normal na kasarian, baka malungkot lang siya,” at hindi na kumibo ang nanay. Muling nagsalita si Freud, “Hayaan mo nang maging bakla siya na masaya kaysa naman ibalik natin siya sa pagiging isang tunay na lalaki, pero magiging malungkot naman ang buhay niya.”

  3. Malaki ang posibilidad na kayo ay magkasama at magkatuluyan ng iyong kasintahan na kapwa mo babae ang nais sabihin ng kaisa-isang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na kahit sabihing hindi normal na ikaw ay umibig sa kapwa mo babae at ganundin siya, makikita sa iyong mga palad ang normal at maayos pa ring guhit ng pag-aasawa (arrow a.), na nagsasabing kapag nagpamilya ka na, babae o lalaki man ang pakikisamahan mo sa iisang bubong, walang alinlangang magkakaroon ka ng maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.

  4. Kapag ang kaliwa at kanang palad ng girlfriend mo ay maraming maliit na bilog sa Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow b.), ito ay indikasyon na magkakaroon siya ng hindi normal na love at sexual life, na sa umpisa ay magdudulot sa kanya ng emotional problem. Pero sa bandang huli, kapag nagka-edad na siya, unti-unti ring magma-mature ang isip at puso niya, matatanggap din niya ang katotohanang siya ay isinilang upang makipagrelasyon sa isang tulad tomboy. Sa puntong ‘yun, kapwa kayo nakapag-adjust sa inyong immoral at kakaibang relasyon, tuloy-tuloy na ring matatanggap ng lipunang inyong kinabibilangan ang katotohanang, maaari pa ring magsama at lumigaya ang samahang babae sa babae, hangga’t nananatili ang pagmamahalan at pag-ibig sa kanilang dalawa.


MGA DAPAT GAWIN

  1. Madalas na ikinakatwiran ng mga relihiyoso na walang bakla at tomboy na nilikha ang Diyos, at ang pagiging bakla ang labis na ikinagagalit ng Diyos, partikular ang kuwento sa Bible tungkol sa pagkagunaw ng Sodoma at Gomorra (Genesis 18: 1-33 at 19:1-29). Subalit ano nga ba ang magagawa ng Bible hinggil sa kagustuhan ng mga taong may malayang kaisipang mamili ng gugustuhin nilang karanasan pagdating sa love life, hangga’t wala naman silang batas na nilalabag sa lipunan?

  2. Ms. Libra, tiyak ang magaganap, sa taong ito, hindi muna mabubunyag nang husto ang inyong relasyon, ngunit habang umuusad ang panahon, unti-unti ring matutuklasan ng mga taong nakapaligid sa inyo ang inyong kakaibang relasyon. Sa umpisa, siyempre tutol ang iyong mga magulang, ngunit matatanggap din nila ang naghuhumiyaw na katotohanang hindi kayo ginawa para sa mga lalaki kundi nilikha kayo para sa isa’t isa. Kaya sa huli, wala na ring magagawa ang mga moralista kapag kayo ay nagpasya nang magsama sa sarili n’yong daigdig, na ayon sa iyong mga datos ay may pangako naman ng maligaya at panghabambuhay na relasyon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page