Kyline, knows mo ba ‘yan? KOBE, MAMA'S BOY
- BULGAR
- Sep 2, 2024
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 2, 2024

Super in love ngayon kay Kyline Alcantara ang basketball player na si Kobe Paras, kaya halos ayaw na nilang maghiwalay kapag magkasama. At mukhang pareho namang agree ang partido nina Kyline at Kobe Paras dahil hindi nila kinokontra ang kanilang relasyon.
In fact, sabi nga ni Kyline sa interbyu ni Boy Abunda, alam ng kanyang pamilya kung anuman ang namamagitan sa kanila ni Kobe. Kaya wala siyang dapat na i-explain kanino man kung nakikita silang sweet in public places.
Anyway, ang inaabangan ngayon ng mga Marites sa showbiz ay kung ano ang reaksiyon ng Mommy ni Kobe na si Jackie Forster sa relasyon ng kanyang anak kay Kyline Alcantara. Papasa kaya si Kyline sa standard ni Jackie, o hindi niya hahadlangan at pakikialaman ang love life ng kanyang anak na si Kobe?
Matatandaan na noong naghiwalay sina Jackie at Benjie, ipinaubaya ni Jackie ang custody ng dalawang anak kay Benjie Paras. Si Kobe ang bunso at sobrang close siya sa kanyang mom. Si Andre ang may tampo sa kanilang mom dahil inakalang basta na lang silang iniwan na magkapatid.
Pero nang sila ay nagkaisip na, si Kobe ang nagkumbinse sa Kuya Andre niya na patawarin at tanggapin ang kanilang ina.
Sobrang na-miss ni Kobe ang kanyang mom dahil naalala niya ang masasayang araw na magkasama sila.
Hanggang ngayon, close si Kobe sa kanyang Mommy Jackie. Alam kaya ni Kyline na mama’s boy din si Kobe Paras tulad ng kanyang ex na si Mavy Legazpi?
MARAMING mga netizens ang nagtatanong kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa pinapipirma ng GMA Network ng kontrata ang Ultimate Star na si Jennylyn Mercado.
Ano ba ang mga demands ng kampo ni Jennylyn na hindi agreeable sa Kapuso Network?
Although marami ang nagsasabi na true-blooded Kapuso si Jennylyn, still, iba pa rin kung may pirmahan na magaganap. Assurance iyon na may mga projects na gagawin si Jen sa GMA-7.
Twenty (20) years nang Kapuso star si Jennylyn Mercado at tumatak na siya bilang Kapuso. Maging ang mga fans at supporters ni Jennylyn ay pursigido nang malaman kung Kapuso pa rin ang kanilang idolo.
Well, may pinagkakaabalahan ngayon si Jen, at ito ay ang pagbabalik niya bilang recording artist. Na-miss niya ang pagkanta at gusto niyang mag-level-up ang kanyang pagiging singer, kaya panay ang practice niya upang mahasa ang kanyang singing voice.
Acting-wise, magaling namang umarte si Jennylyn Mercado at forte niya ang drama. Kailangang bigyan siya ng challenging role ngayong maaari na siya sa mature roles.
SA Sept. 5 ay dalawang taon na sa ere ang afternoon soap na Abot Kamay Na Pangarap (AKNP). Sobra-sobra na ang exposure nito para sa isang regular na airing na dapat ay umabot lang ng dalawang season.
Pero dahil sa mataas na ratings at tinatangkilik ng mga sponsors, humaba ang buhay ng AKNP na pinagbibidahan nina Jillian Ward, Carmina Villarroel, at Richard Yap.
Maraming characters ang pumasok sa serye na ginampanan ng mga guest celebrities tulad nina Dina Bonnevie, Pilar Pilapil, Ken Chan, atbp.. Pero ang most hated character ay si Moira (Pinky Amador).
Pagkatapos ng dalawang taon, magtatapos na ang AKNP. Labis na ikalulungkot ito ng mga viewers, pero kailangan ding magbigay-daan sa mga bagong programa ng GMA-7.
Happy ending naman ang mangyayari dahil magpapakasal na sina Doc Tayag (Richard Yap) at Lyneth (Carmina). Malaking bagay na mataas ang ratings ng Abot Kamay Na Pangarap at umabot ng dalawang taon sa ere.
Comments