top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Kurso at manliligaw na swak sa dalagang may birth date na 2

BULGAR
Jan 21, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Numero | Enero 21, 2023

Dear Maestro,


Gusto kong malaman kung ano ang mangyayari sa career at love life ko. Sa ngayon ay Nursing ang course ko, pero balak kong mag-shift sa Political Science o Psychology. Sa palagay n’yo, saang kurso ako susuwertehin at magtatagumpay?


Tungkol naman sa love life, tatlo ang manliligaw ko ngayon, si Mr. Leo na isinilang noong August 10, 2001, si Mr. Cancer na isinilang noong July 12, 1999, at si Mr. Taurus na isinilang noong May 16, 2000. Puwede bang malaman kung sino sa kanilang tatlo ang ka-compatible ko? September 2, 2002 ang birthday ko.



Umaasa,

Aubrey ng Frisco, SFDM, Quezon City



Dear Aubrey,


Ayon sa birth date mong 2 at destiny number na 6 (9+2+2002=2013/ 20+13=33/ 3+3=6), mas bagay sa iyo ang kursong Psychology sa halip na Political Science. Ibig sabihin, kung iniisip mong magpalit ng kurso, tulad ng nasabi na, kursong Psychology ang kunin mo at puwede ka ring manatili sa dati mong kurso at iba pang medical-related course. Bukod pa rito, puwede rin sa iyo ang mga kursong may kaugnayan sa modernong komunikasyon at high-tech o mga usong gawain ngayon na may kaugnayan sa internet, social media at virtual world.


Kung balak mo namang lumipat ng eskuwelahan, hanapin mo ang iskul na kulay berde ang logo dahil sa naturang paaralan, tiyak na maluwalhati kang makakapagtapos ng pag-aaral.


Tungkol naman sa iyong love life, hindi mo ka-compatible ang isang Leo, gayundin ang isang Cancer. Sa halip, ang mas ka-compatible mo ay Taurus, kaya ang dapat mong sagutin kung sakaling makikipagrelasyon ka na ay si Mr. Taurus, na may birth date na May 16, 2000.


Samantala, hinggil sa iyong career, tulad ng nasabi na, bukod sa mga kursong may kaugnayan sa public service, social worker at nursing, puwede rin sa iyo ang mga kursong may kaugnayan sa pagtuturo tulad ng BS Education, BS Biology at iba pang premed course. Sa ganitong paraan, kung hindi ka matutuloy sa pagdodoktor, tulad ng nasabi na, ang isa pang pinakamagandang magiging career mo ay teacher, professor o lahat ng gawaing may kaugnayan sa social media at sa virtual world.


Ayon sa iyong Career at Love Calendar, kasabay ng pagkagradweyt mo sa kolehiyo at pagpasa sa board exam, magkakaroon ka rin ng pangmatagalang boyfriend, na siya namang panghabambuhay mo nang makakasama at makakatuluyan. Ito ay hatid ng lalaking na isinilang sa zodiac sign na Taurus o Capricorn at ang pakikipagrelasyon na nabanggit ay nakatakdang mangyari sa susunod na taong 2024 at sa edad mong 22 pataas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page