top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Kurakot na pulitiko, isama sa death penalty

BULGAR
Nov 28, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | November 28, 2022


CONFIDENTIAL FUND I-REALIGN SA MGA PROGRAMA NG PAMAHALAAN NA PAKIKINABANGAN NG MAMAMAYAN—Inanunsyo ni Sen. Risa Hontiveros na kinaltasan ng Senado ng P120 milyon ang P150-M confidential fund na hinihingi ni Vice-Pres., DepEd (Dept. of Education) Sec. Sara Duterte-Carpio, na ayon sa senadora, ang P120-M ay ni-realign para sa healthy learning institutions program ng DepEd.


Puwede naman palang gawin 'yan, sana ay pati P500 million confidential fund ni Sara sa kanyang tanggapan sa OVP ay i-realign na rin sa ibang programa ng pamahalaan na pakikinabangan ng mamamayan.


◘◘◘


SEN. DELA ROSA, LABAN-BAWI NA I-DECRIMINALIZE ANG MGA ADIK—Matapos putaktihin ng batikos ng netizens sa social media ay binawi na ni Sen. Ronald "Bato" dela Rosa ang panukalang i-decriminalize ang mga adik.


Kailangan talagang kinakalampag ang mga gov't. officials na may palpak na panukala para natatauhan kasi kung hindi dahil sa batikos ng mamamayan ay hindi maglalaban-bawi si Sen. Dela Rosa ang panukala niyang huwag kasuhan ang mga adik.


◘◘◘


DAPAT ISAMA SA DEATH PENALTY ANG MGA PLUNDERER—Sabi ni Sen. Dela Rosa ay pupursigihin niyang maisulong na ang death penalty sa mga drug trafficker.


Aba, teka, bakit drug trafficker lang ang isasalang sa death penalty? Sana isama na rin ang mga plunderer para matigil na ang pagnanakaw ng mga trapo kaban ng bayan.


◘◘◘


'TONGPATS COLLECTOR' NG PANGASINAN, DAPAT IPA-TOKHANG NI COL. PANGED—Isang alyas Joseph umano ang sangkot sa protection racket at gumagamit sa pangalan ni Pangasinan PD Col. Jeff Panged para makapangolekta ng "tongpats" sa mga drop ball at color games operators sa Urdaneta City, Sta. Barbara, Malasiqui, Calasiao, Aguilar, Mangaldan, Bugallon, San Carlos City, Tayug, San Nicolas, San Jacinto, Alaminos City at Rosales, pawang sa lalawigang ito.


Dapat ipa-"tokhang" ni Col. Panged si "Joseph" para mapatunayan niya sa mga taga-Pangasinan na wala siyang basbas sa panraraket ng "tongpats collector" sa kanyang nasasakupan.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page