Kuntodo-alahas habang nagsu-swimming, pinuna… “SORRY, GANYAN NA 'KO BATA PA” — SHARON

Updated: Jan 9, 2021
ni Nitz Miralles - @Bida | January 7, 2021

Tinanong si Sharon Cuneta kung paano siya pumayat dahil gusto rin sigurong pumayat ng nagtanong sa kanya.
Ang sagot ni Sharon, January, 2016 pa siya nagsimulang magpapayat.
“Tagaaal! If I took it seriously agad, di sana, before pa. Dahan-dahan lang, but you’ll surely get there faster!”
Sa nag-suggest na puro apples lang ang kainin niya, sabi ni Sharon, “Ginawa ko 'yun! With hard boiled eggs lang and green tea! 'Di matagal pero nag-work.”
Ayan, may tip si Sharon kung ano lang ang dapat kainin para pumayat at may paalala rin siya sa mga na-inspire niyang pumayat.
“Kung kaya ko, kaya mo! Wala na tatakaw sa 'kin, may sweet tooth pa! Just keep reminding yourself, 'di naman aalis 'yang (favorite) food mo, eh. Sandali lang ito. Tapos, kakainin ko 'yan naka-backless na!”
Sa nag-comment ng “Tara, swimming tayo! Teka lang, let me wear my diamonds,” na ang tinukoy ay ang suot na jewelry ni Sharon habang nagsu-swimming, ang sagot ni Mega, “Sorry, ganyan na 'ko bata pa,” na ang ibig sabihin, bata pa siya, nagsu-swimming na siyang may suot na alahas.
Sa litrato kasi, makikita na may suot na relo at bracelet si Sharon kahit nasa pool.
Samantala, marami ang naaliw sa birthday greetings ni Sen. Kiko Pangilinan sa asawang si Sharon Cuneta na “Hi, sexy! Beautiful birthday girl. Are you busy tonight? We can go through the latest additions to my stamp collection.”





Comments