ni Pablo Hernandez @Prangkahan | May 19, 2024
RICE IMPORTATION TULOY PA RIN SA YEAR 2025, KAYA IBINIDANG TODO-SUPORTA ANG MARCOS ADMIN SA MGA MAGSASAKA, FAKE NEWS! -- Inanunsyo ng United States Department of Agriculture (USDA) na base sa nakikita nilang data ay mananatili raw ang Pilipinas bilang top rice importer sa buong mundo.
Patunay ‘yan na fake news lang ang ibinibida ng Marcos administration na todo-suporta na sila sa mga magsasakang Pinoy, kasi ayon nga sa data ng USDA ay patuloy pa rin ang Marcos admin sa gagawing pag-aangkat ng mga bigas mula sa India at Vietnam next year, boom!
XXX
KUNG WALA NANG MAHIRAP SA ‘PINAS, DAPAT BUWAGIN NA ANG TANGGAPAN NI LARRY GADON -- Sabi ni Presidential Adviser for Poverty Alleviation Larry Gadon ay haka-haka lang daw ang mga nagsasabi na napakahirap ng buhay ng mga Pinoy sa ‘Pinas.
Aba’y kung naniniwala si Gadon na wala nang naghihirap ang buhay sa bansa, dapat ay irekomenda niya kay Pres. Bongbong Marcos (PBBM) na buwagin na ang tanggapan niyang Presidential Adviser for Poverty Alleviation kasi nga wala na pala siyang sosolusyunang kahirapan ng pamumuhay ng Pinoy dahil para sa kanya, asensado na ang buhay ng lahat ng mamamayan sa bansa, period!
XXX
WALA RAW ATRASAN SA IMBESTIGASYON SA EJK, PERO MGA CONG. ATRAS NA IMBESTIGAHAN SI EX-P-DUTERTE -- Wala raw atrasan ang gagawing imbestigasyon ng Kamara sa naganap na extrajudicial killings (EJK) sa Pilipinas sa panahon ng Duterte administration, pero hindi naman daw nila iimbitahan para imbestigahan sa isyung ito si ex-P-Duterte.
Isa lang ang nakikita nating dahilan kaya tiklop ang mga cong. na imbitahan para imbestigahan sa EJK si ex-P-Duterte, at ito ay takot silang pagmumurahin sila ng ex-president sa loob ng Kongreso, boom!
XXX
PBBM NANINIWALA SA IBINULGAR NI TRILLANES NA MAY DESTAB PLOT SA MARCOS ADMIN? -- Ayon kay PBBM ay lalabanan daw ng kanyang administrasyon ang anumang pagtatangkang destablisasyon sa kanyang pamahalaan.
Kung ganu’n, naniniwala na rin si PBBM sa ibinulgar kamakailan ni former Sen. Antonio Trillanes na may mga nagpaplano ng destabilisasyon sa Marcos admin, kasi kung fake news ang sinabi ng dating senador ay dapat ang statement ng Presidente ay walang destab plot, at hindi iyong lalabanan nila ang anumang bantang destabilisasyon sa Marcos gov’t., period!
Comments