top of page
LET’S SEE - MIKA AT WILL, BUKING NA LUMIPAD PA-HK_Reddit.png

Kung si Ryan, nagbanta kay Juday… ERWAN, TANGGAP NA MAKIPAGTIKIMAN PA RIN SI ANNE SA IBANG LALAKI

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 3 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | May 19, 2026



LET’S SEE - ERWAN, TANGGAP NA MAKIPAGTIKIMAN PA RIN SI ANNE SA IBANG LALAK-IG _erwan

Photo: IG _erwan



Kahit last April pa naipalabas ang interview sa mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa show ni Matteo Guidicelli sa Bilyonaryo News Channel na Matteo Primetime (MP), naging mainit ang reaksiyon ng ilang netizens tungkol dito.


Ikinukumpara kasi ang mga naging sagot ni Ryan sa mas hinangaang tugon ni Erwan Heussaff sa ‘same questions’ na ibinato ni Matteo hinggil sa ‘showbiz works’ ng kanilang mga sikat na asawa.


This last weekend lang lumabas ang panayam ni Matteo kay Erwan na umani ng maraming papuri dahil mas nakitaan daw ng higit na respeto, suporta at pang-unawa si Erwan para sa misis kesa kay Ryan.


Sa mga tanong kasi kung paanong tinatanggap ng parehong lalaki na maka-partner ng ibang lalaki sa TV o movie projects ang mga asawa nila at may eksenang ‘intimate’ at selos item, although naipaliwanag naman daw ni Ryan ang binitawan nitong sagot na “Subukan n’ya at pagkatapos ay saka na lang kami mag-away,” kitang-kita pa rin daw dito ang hindi pagkakaroon ng ‘full trust’ sa sikat na asawa, kumpara sa sagot ni Erwan Heussaff na mas nararamdaman daw ang klase ng respeto at tiwala nito kay Anne Curtis.


Ang naturang pahayag ni Erwan na pinag-uusapan ngayon, “Totally fine, no jealousy or whatsoever. She was already doing it when we were not even dating yet. So, who am I to kind of tell her what to do or change who she is or anything like that? It’s like her asking me to stop cooking.”


Para sa mga nagkukumpara, tila mas may red flag daw ang sagot ni Ryan Agoncillo kumpara sa green flag na si Erwan Heussaff kaya’t marami ang nagsasabing napakasuwerte ni Anne Curtis.





SAMANTALA, hinangaan din ng mga kasama sa media ang naging tugon naman ni Sue Ramirez sa direktang tanong kung handa ba siyang gawin sa tunay na buhay ang role niya sa upcoming movie niyang Project Baby (PB)?


Sa nasabing film kasi ay papel ng isang treintahin ang ginagampanan ni Sue na naghanap ng bubuntis sa kanya at aanakan siya nang walang string attached o commitment mula sa lalaking gagawa nito. 


Kumbaga, magiging ‘sperm donor’ lang ang lalaki dahil anak lang ang gusto niya.

Sagot ni Sue, “Sa totoong buhay ay treintahin na rin talaga ako. If and only anak lang talaga ang gugustuhin ko, yes po, I am willing to undergo such a thing. Ngayon naman kasi, marami nang paraan, both scientifically and the technology kung paanong magkaroon ng anak. And yes, marami na ring definition ang pagiging isang parent sa ngayon. Kung talagang wala o hindi ako makakahanap ng lalaki o asawa, ready na akong magkaanak sa ganu’ng paraan. Besides, talaga namang nararanasan ko na ring maging nanay sa mga pamangkin ko, Isa akong tita nanay sa tunay na buhay.”


Pero sinagot din nitong sa kasalukuyang estado nila ng real-life boyfriend niyang si Dominic Roque, nakikita raw niyang magiging isang mahusay at mabuting ama ang aktor.


“Yes naman, he is a daddy material. He can make a great dad,” susog pa ni Sue sabay hirit na kung kailangan na raw niyang mabuntis ay need na niyang kumilos at gumalaw-galaw.


Ang Project Baby ay isinulat ni Direk Joey Reyes under Regal Entertainment sa direksiyon ni Eric Quizon.


Ang leading man lang naman ni Sue sa movie ay ang rock icon na si Rico Blanco, na may eksenang ‘hubad kung hubad’ sa movie dahil siya nga ang nakuhang ‘donor’ ng karakter ni Sue na mag-fertilize sa kanya.


Kasama nila sa movie sina Alex Calleja, Matt Lozano, Arra San Agustin, Yasser Marta, Kimson Tan, Charut, Christian Ty, Drei Arias, Jonathan Perez, Jazzil Sarinas at ang napakaganda pa ring si Ms. Alice Dixon.


Showing ito ngayong June 10 sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page