top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kung sa ibang bansa may hiya ang mga gov’t. officials, sa ‘Pinas, pakapalan ng mukha!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 23, 2020
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | August 23, 2020



MGA OPISYAL SA IBANG BANSA MAY HIYA, SA PILIPINAS KARAMIHAN, WALANG HIYA—Maraming opisyal sa ibang bansa ang nag-resign sa puwesto nang mabatikos dahil sa paglabag sa kanilang health protocols sa panahon ng pandemya, at ang huling nabalitang nagbitiw sa puwesto ay si Ireland Agriculture Minister Dara Calleary nang nabatikos sa pagdalo sa golf society dinner.


‘Yan ang mga gov’t. officials sa ibang bansa, may hiya, pero sa Pilipinas, ang mga opisyal na lumabag sa health protocols, pakapalan ng mukha kasi hindi nagsipag-resign, mga buwisit!

◘◘◘

MGA “BUWAYANG” APPOINTEE NI P-DUTERTE, LAGOT KAY SEN. BONG GO—Ayon kay Sen. Bong Go, handa siyang magpaka-oposisyon sa mga gov’t. officials na sangkot sa mga katiwalian.


Dahil sa sinabing ‘yan ni Sen. Go, lagot na ang mga “buwayang” binigyan ng posisyon ni P-Duterte sa pamahalaan, period!

◘◘◘

“UTAK” SA BRUTAL NA PAGPATAY SA ANAKPAWIS CHAIRMAN, DAPAT MANAGOT—Base sa resulta ng awtopsiya ni Forensic Pathologist Raquel Fortun sa bangkay ni Anakpawis Chairman Randy Echanis, nagtamo ito ng 40 saksak sa iba’t ibang parte ng katawan nang patayin ng mga salarin sa kanyang inuupahang bahay sa Qiuezon City noong Agosto 10, 2020.


Hindi ganyan kabrutal na pagpatay gagawin sa 72-anyos na si Echanis kung walang nag-utos na siya ay patayin, kaya’t hindi lang ang mga salarin ang dapat managot, kundi pati ang “utak” sa karumal-dumal na krimeng ito, period!


◘◘◘

ANGEL LOCSIN, MAY UGALING ANGHEL KASI IPINAGDARASAL PANG GUMALING SA COVID-19 ANG DDS BLOGGER NA NANINIRA SA KANYA—Nang mabalitaan ni Angel Locsin na nagka-COVID-19 ang isa sa mga DDS na madalas manira sa kanyang pagkatao, imbes na matuwa siya ay nanawagan pa siya sa kanyang mga tagahanga at sa publiko ang kaligtasan at dagliang paggaling nito.


‘Yan si Angel, may ugaling angel, kaya’t kung sakaling gumaling ang DDS blogger at bumanat ulit ng mga paninira sa aktres ay isa lang ibig sabihin nito, ang DDS blogger na ‘yan ay may ugaling demonyo, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page