top of page
WINNER - MALE FAN, NAG-PROPOSE KAY ALEX EALA SA HARAPAN NG PADIR_FB Alex Eala.jpeg

Kung pagyayabang daw ‘yun, wa’ siyang paki… BARBIE: TINRABAHO KO KUNG NASAAN AKO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 4 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | August 30, 2026



BULGARY - BARBIE- TINRABAHO KO KUNG NASAAN AKO_FB Barbie Forteza

Photo: FB Barbie Forteza



Tinanong ni Boy Abunda si Barbie Forteza kung yumabang ba siya habang patuloy na umaangat ang kanyang showbiz career nang mag-guest ito sa kanyang programa na Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA).


Tanong ng host, “Dumating ba sa point ng buhay mo na kahit kaunti, yumabang ka?”

Prangkang sagot ng aktres, “Well, I wouldn’t say pagmamayabang ‘yun. Kasi base ho sa sinabi ko sa inyo kanina, tinrabaho ko kung nasaan na ako ngayon. So, if it seems like pagmamayabang, I really don’t care. Kasi I worked hard to be where I am right now.”


Ayon kay Barbie, may mga taong hindi lubos na nauunawaan o inirerespeto ang kanyang pinagdaanan sa pagbuo ng kanyang karera. Gayunman, natutunan na niyang huwag masyadong magpaapekto sa opinyon ng ibang tao.


Tinanong din siya kung nakakasalamuha pa rin ba niya ang mga taong may ganitong pananaw tungkol sa kanya.


Sey niya, “May mga nakakasalubong kang ganu’n, ‘di ba?”


Aminado si Barbie na mayroon, ngunit sinabi niyang dati ay mas binibigyang-halaga niya ang iniisip ng ibang tao tungkol sa kanya. Ngayon, mas nakikita niya ang kanyang confidence bilang resulta ng mga pinagdaanan at pinaghirapan niya.


Sey niya, “Opo naman, opo naman. But again, I mean, if you weren’t there, you weren’t there. And I guess ‘yun ‘yung mistake ko before, that I used to care about those opinions. Now, mas parang maybe ‘yung yabang is more of having this level of confidence sa sarili ko.

“Whatever I do, whatever I put out there, I can back it up.”


Wala naman daw siyang natatanggap na reklamo tungkol sa kanyang professionalism mula sa mga direktor at iba pang respetadong personalidad na nakatrabaho niya sa industriya.


Pahayag pa niya, “At saka ‘di naman po sa pag-ano, pero kung ‘di naman po ako nagkakamali, from the directors, all the very respectable people here in this industry na nakatrabaho ko or nakilala ko, parang wala naman po silang reklamo sa akin. 


“So, I guess it’s all just coming from outside the industry, and if ‘di naman po s’ya makakatulong sa akin, it’s their opinion, yes, pero I have my own life.”

Para kay Barbie, hindi kayabangan ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili, lalo na kung alam niyang pinaghirapan niya ang kanyang narating.


Mas pinipili na rin niyang huwag hayaang makaapekto sa kanyang buhay ang opinyon ng mga taong hindi naman naging bahagi ng kanyang journey. 





Para raw sa mga anak… KAYE, BAWAL MAINITAN DAHIL MAY CANCER, GO PA RIN



IBINAHAGI ni Kaye Abad ang mahahalagang aral na natutunan niya matapos malampasan ang cancer, kabilang ang mas pagpapahalaga sa buhay, pamilya, kalusugan, at oras na kasama ang mga mahal sa buhay.


Sa panayam sa kanya ni Karmina Constantino para sa KC After Hours sa YouTube (YT), sinabi ni Kaye na mas naunawaan niya ang kahalagahan ng bawat araw matapos siyang ma-diagnose ng breast cancer.


“Treasure life. Life is short. Totoo pala talaga ‘yun,” sey niya.


iKuwento pa niya, “Like, I was just a normal girl na nasa Cebu, have kids, very happy, very content, biglang isang ganyan na nagpa-check because of my gallbladder... and then ‘yun na ‘yun, diagnosed, dire-diretso na, you have cancer. Sabi ko, ‘Ganu’n kabilis?’”


Dahil sa pinagdaanan niya, mas naging intentional din si Kaye sa paggugol ng oras kasama ang kanyang mga anak at pamilya.

“Treasure your time with your kids, with your family,” aniya.


Ikinuwento rin ng aktres na sinisikap niyang maging present sa mga aktibidad ng kanyang mga anak, kahit hindi ito ang mga bagay na karaniwan niyang ginagawa.


“‘Yung ‘pag may gusto sila, kahit ‘di ako mahilig mag-outdoor, kahit mainit, ‘pag may soccer, sige, sama si Mommy. I will watch kasi (nagtatanong sila), ‘Mommy, why don’t you watch? My other classmates there, mommies are there.’ Sabi ko, ‘Sige, Mommy will watch.’ Kahit bawal akong mainitan, I will watch,” sey pa niya.


Para kay Kaye, mas naging mahalaga ang mga simpleng sandaling ito kasama ang kanyang mga anak.


Pagbabahagi niya, “Kaya ‘yung sabi nga nila, i-cherish mo na ‘yan habang bata pa, habang they still want to be with you, i-cherish mo na na gusto nila na nandu’n ka, so i-cherish na ‘yun.”


Isa rin sa mga dahilan kung bakit hindi muna nagmamadali si Kaye na tumanggap ng panibagong television series ay dahil nais niyang masulit ang oras kasama ang kanyang bunsong anak.


“Kaya rin siguro ‘pag may offers na serye, ‘di na muna siguro kasi bata pa ‘yung youngest, so I still want to be with him while growing. Siguro, ‘pag matanda na s’ya, then if nand’yan pa ‘yung industry for me, then why not, I will still go back,” sambit pa ni Kaye.


Bukod sa pagpapahalaga sa pamilya, sinabi ni Kaye na natutunan din niyang mahalagang magpatawad at huwag nang magdala ng sama ng loob.


“Kung kayang ma-forgive ‘yung mga taong nagkasala, mga kaaway, ‘wag nang magbuhos ng bad energy kung may nakaaway. Just forget, enjoy life,” she pointed out.

“And ‘wag mag-take advantage sa katawan. Number one, your health,” diin niya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page