top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Kung may sabwatan ang PS-DBM at Pharmally… May SABWATAN din ang Meralco, DOE at ERC sa monthly

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 16, 2021
2 min read

dagdag-singil sa kuryente?!



ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | November 16, 2021


RANK 10, 11 AT 12 SA SURVEY NA SENATORIABLES, TIYAK NA KAKABA-KABA SA PAG-JOIN NI GEN. ELEAZAR SA SENATORIAL RACE—Sa panahon ni ret. Gen. Guillermo Eleazar bilang PNP chief ay bumaba ng 68% ang crime rate sa buong bansa at siyempre, ikinatuwa ‘yan ng publiko kaya’t ngayong kandidato na siya for senator ay asahang magiging maganda ang laban niya sa halalang 2022.


Dahil d’yan, asahan nang kakaba ‘yung mga senatoriables na palaging nagra-rank 10, 11 at 12 kasi ngayong deklaradong for senator na si Eleazar, tiyak na may malalaglag sa kanila, abangan!


◘◘◘


NATIMBOG NA MAG-UTOL NA KAPWA EXECUTIVES NG PHARMALLY, DAPAT SA CITY JAIL O BILIBID IKULONG—Natimbog ng sergeant at arms ng Senado ang magkapatid na Mohit at Twinkle Dargani, kapwa executives ng Pharmally Pharmaceutical Corp.

na may konek kay Michael Yang na sangkot sa pang-i-scam sa kaban ng bayan.


Nasakote sila habang papatakas palabas ng Pilipinas patungong Malaysia.


Ang dapat sa magkapatid na ‘to ay sa city jail o sa Bilibid ikulong kasi ang tangka nilang pagtakas palabas ng bansa ay pagpapatunay na sangkot nga sila sa paninindikato sa kaban ng bayan, period!

◘◘◘


TALAGANG PINANINDIGAN NA NG MERALCO, DOE AT ERC ANG BUWANANG PAGPAPAHIRAP SA MAMAMAYAN—Ngayong Nobyembre 2021 ay nagtaas na naman ng singil sa konsumo ng kuryente ang Meralco, at syempre, hindi naman magtataas ‘yan kung walang permiso ni Energy Sec. Alfonso Cusi at Energy Regulatory Commission (ERC) Chairman Agnes Devanadera.


Hay naku, talaga itong Meralco at mga bata ni P-Duterte sa DOE (Department of Energy) at ERC ay pinanindigan na ang buwanang dagdag-pagpapahirap sa mamamayan, mga buwisit!

◘◘◘


KUNG MAY SABWATAN SA SCAM ANG PS-DBM AT PHARMALLY, MAY SABWATAN DIN ANG MERALCO, DOE AT ERC SA MONTHLY DAGDAG-SINGIL SA KURYENTE?—Bukod sa isinasagawang imbestigasyon ng Senado sa multi-billion peso scam na kinasasangkutan ng Pharmally, dapat imbestigahan na rin ng mga senador ang buwan-buwang taas-singil ng Meralco sa konsumo ng kuryente.


Para kasing may sabwatan ang Meralco, DOE at ERC sa buwanang dagdag-singil sa kuryente na nagpapahirap sa mamamayan, tulad ng sabwatan ng PS-DBM (Procurement Service-Department of Budget and Management) at Pharmally sa paninindikato naman sa kaban ng bayan, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page