top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kung kay Kris, magulo ang buhay… RUFFA, LUCKY CHARM NI BISTEK

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 6, 2022
2 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | February 06, 2022




Tiyak na matutuwa si Ruffa Gutierrez sa rebelasyon ni Maestro Honorio Ong, ang resident astrologist at numerologist ng BULGAR, ukol sa nababalitang relasyon nila ng senatorial aspirant and former Quezon City mayor na si Herbert Bautista.


Binasa kasi ni Maestro Honorio ang kapalaran ng rumored celebrity couple batay sa kanilang mga kaarawan, Zodiac at animal signs.


Maganda ang basa ni Maestro Honorio sa kapalaran nina Ruffa and soon-to-be Senator Bistek, ha?


Magka-match daw ang numero ng kanilang birthday at Zodiac signs, pati na rin ang characters ng kanilang “ruling planets” gaya ni Ruffa na under Venus nakabatay ang numero ng kanyang kaarawan na 24 (June 24, 1974).


At heto pa ang maganda, ayon kay Maestro Honorio, si Ruffa ang magsisilbing “lucky charm” ni Bistek sa kanyang pagtakbo bilang senador sa nalalapit na eleksiyon.


Advise pa ni Maestro Honorio kay Senatoriable Bistek, dapat daw ay isama niya sa kanyang pangangampanya si Ruffa at kulay pula ang damit na suot nila.


Eh, kaso, green ang kulay ng political party ni Davao City Mayor Sara Duterte na nag-adopt/nag-endorse kay Bistek as one of their senatorial candidates.


Take note, ang kampo ni Mayor Sara mismo ang kumuha-nag-imbita kay Bistek para sumanib sa grupo ng senatoriables na susuportahan ng kanilang partido.


Going back sa political color, since ka-partner ni Mayor Sara si Sen. Bongbong Marcos sa pagka- presidente ngayong halalan, puwede rin sigurong magsuot si Bistek ng red shirt o polo during campaign. Red naman kasi ang kulay na gamit ni BBM as a presidential candidate.


Dahil d’yan, Kris Aquino left the group. Joke!


And speaking of Kris, sadyang ‘di pala talaga uubra na i-push pa ang relasyon nila ni Bistek noon kahit pa gaano niya ka-love ang aktor-pulitiko. But in fairness kay Kris, siya naman yata talaga ang officially tumapos sa relasyon nila ni Bistek.


Sadyang ‘di raw sila nakatadhana para sa isa’t isa. At kapag magkasama raw sina Kris at Bistek, tiyak na may gulo. ‘Yan ang basa ni Maestro Honorio sa kapalaran ng Kris-Tek.


Hala, para pala silang sina Neo at Trinity ng Matrix, ‘noh? Na-doomed ang relasyon from the start kaya ‘di sila dapat magsama or else, may catastrophe na magaganap, ayon nga kay Agent Smith.


Ganern?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page