top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kung hindi palpak, malamang ay kurakot ang opisyal kaya mataas ang presyo ng mga bilihin

BULGAR
Oct 9, 2022
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | October 9, 2022


PALPAK ANG ECONOMIC TEAM NI P-BBM KAYA MATAAS ANG PRESYO NG MGA BILIHIN—Totoong may epekto sa ekonomiya ng mga bansa sa mundo ang giyerang naganap sa pagitan ng Russia at Ukraine—tumaas ang presyo ng mga bilihin. Pero grabe ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at maging ng mga bayarin sa Pilipinas.


Halimbawa sa Thailand, base sa pinost sa social media ni dating Sen. Kiko Pangilinan, na ang halaga sa bansang ito ng isang kilo ng sibuyas ay 35 baht (60 pesos) at ang halaga ng isang kilo ng bawang ay 50 baht (85 pesos), pero sa Pilipinas, ang presyo ng isang kilo ng sibuyas ay P400 at ang isang kilo naman ng bawang ay P300.


Ang ibig sabihin, palpak lang talaga ang mga miyembro ng economic team ni P-BBM kaya ubod ng mahal ng presyo ng mga bilihin.


◘◘◘


KUNG HINDI PALPAK, MALAMANG AY KURAKOT ANG MGA APPOINTEE NI EX-P-DUTERTE KAYA NALUGI ANG MGA GOCCs—Sa panahon ni ex-P-Duterte, nitong 2021 ay ayon sa Commission on Audit ay nalugi ng mahigit P691.76 billion ang mga Government-Owned and Controlled Corporations (GOCCs), na kinabibilangan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), SSS (Social Security System), GSIS (Government Service Insurance System), PhilHealth, Manila International Airport Authority (MIAA), Home Development Mutual Fund (HDMF) at iba pang GOCCs.


Kung ibabase natin sa trilyon, aba'y shocking ito kasi mahigit kalahating trilyon ang nalugi sa mga GOCCs na pinamumunuan ng mga gov't. officials, na may naglalakihang suweldo na pawang appointee ni ex-P-Duterte.


Dalawa lang ang ibig sabihin kaya nalugi ang mga GOCCs, kung hindi palpak ang liderato ay mga kurakot.


◘◘◘


PALPAK ANG LIDERATO NI BENJAMIN DIOKNO SA BSP, KAYA MALAMANG AY PALPAK DIN ANG LIDERATO NITO SA FINANCE DEPARTMENT—Ang lugi ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ay P26.657 bilyon at ang namumuno noon sa panahong nalugi ito si dating BSP Governor Benjamin Diokno.


Ibig sabihin, kaya nalugi ang BSP ay palpak ang liderato ni Diokno, tapos kinuha siya ni P-BBM bilang isa sa mga miyembro ng economic team nang italagang finance secretary ng Marcos administration, at dahil d'yan ay asahan nang palpak din ang magiging liderato nito sa Department of Finance.


◘◘◘


HINDI NA DAPAT IBINIDA NG DEPED ANG FACE-TO-FACE CLASS—Ibinida ng Department of Education na ang biggest accomplishment sa 100 days sa puwesto ni Vice-President, DepEd Sec. Sara Duterte-Carpio ay ng pahintulutan nito ang face-to-face class sa bansa.


Hay naku, hindi na dapat ibinida 'yan ng DepEd kasi lahat naman ng bansa sa mundo ay nagpapairal na ng face-to-face class, ang ibig sabihin ay kahit sino ang maitalagang DepEd sec. ay ganyan talaga ang gagawin — ang mag-face-to-face class.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page