top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kung hindi bineybi ni Digong ang China, may "K" sana mangisda ang mga Pinoy sa WPS

  • BULGAR
  • Nov 17, 2022
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | November 17, 2022


DAPAT ANG MURANG PRESYO NG MGA BILIHIN SA KADIWA AY MATULAD SA PRESYO NG MGA PRODUKTO SA LAHAT NG PAMILIHAN SA BANSA—May inilatag na Kadiwa store ang Marcos administration para sa murang presyo ng mga bilihing pagkain, pero mangilan-ngilan lang ito.


Kung puwede naman palang ibenta sa murang halaga ang mga produkto, sana ay gumamit ng kamay na bakal si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr., maglabas siya ng direktiba na dapat kung ano ang presyo ng mga bilihin sa Kadiwa ay ganun din ang presyo ng mga produkto sa iba pang pamilihan sa bansa.


◘◘◘


KINAPOS NG SUPPLY NG ISDA SA 'PINAS KASI BINEYBI NI EX-P-DUTERTE ANG CHINA SA PAGBABAWAL SA MGA PINOY NA MANGISDA SA WPS—Nag-umpisa ang importasyon ng isda ng Pilipinas sa China noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at ngayong panahon ng Marcos administration ay nagpapatuloy ito.


Hindi dapat kinakapos sa supply ng isda ang Pilipinas dahil napalilibutan tayo ng dagat, pero dahil bineybi ni ex-P-Duterte ang China sa pananakop sa West Philippine Sea, pinagbabawalan na tuloy ng mga Chinese Coast Guard ang mga mangingisdang Pinoy sa laot na sakop ng karagatan ng Pilipinas.


◘◘◘


KALOKOHAN ANG SABI NI EX-P-DUTERTE NOON NA BABABA ANG PRESYO NG BIGAS SA RICE TARIFF LAW—Nagbabala ang Federation of Free Farmers (FFF) na tiyak tataas ang presyo ng mga imported rice pagpasok ng 2023 dahil sa ipinatupad na broken rice export ban ng India, pinakamalaking exporter ng bigas sa mundo na nakaapekto sa Thailand at Vietnam—ang dalawang bansang pinag-aangkatan ng bigas ng Pilipinas.


Aba'y kung ganyan na tataas din ang presyo ng mga imported rice, dapat ibasura na ni P-BBM ang rice tariffication law ni ex-P-Duterte kasi ayon sa dating pangulo, inaprub niya ang batas para bumaba ang presyo ng bigas sa bansa.


Ang pinakamainam na gawin ngayon ni P-BBM ay suportahan ang mga magsasakang Pinoy para mapaunlad ang ani ng palay sa Pilipinas!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page