Kung dati, dyahi pa, wa' na kiyeme ngayon, Daniel…KATHRYN, IDINISPLEY NA ANG PUWET IN PUBLIC
- BULGAR

- Feb 5, 2021
- 1 min read
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | February 5, 2021

Dati-rati ay nahihiya si Kathryn Bernardo na i-flaunt ang kanyang katawan kapag pumupunta sa magagandang beaches. Pero ngayon, very proud nang ipakita ng aktres ang kanyang katawan.
Kamakailan ay nasa El Nido, Palawan ang aktres kasama ang boyfriend na si Daniel Padilla at ang kanyang pamilya.
Sa Instagram ni Kathryn ay may in-upload siyang larawan na nakasuot ng kulay itim na swimsuit. Makikita rin sa socmed ang iba pang larawan ni Kath kung saan ipinasilip niya ang makinis na pisngi ng kanyang puwet.
Ang caption na inilagay ni Kath, "So many things to look forward to! Going home with a happy and grateful heart. Thanks to the amazing group that inspired me in so many ways. Cheers to new friendships and better days ahead!"
Pawang positibong komento ang natanggap ni Kath mula sa mga kaibigang celebrities, fans at supporters dahil sa magandang pigura ng katawan ng aktres.
Kinuha na rin ni Kath ang pagkakataon para i-promote ang kagandahan ng El Nido.
Aniya, "...EL NIDO IS SOMETHING ELSE. I hope we continue to protect and preserve its beauty. Filipinos are lucky to call this our own."
Samantala, ang digital series ng celebrity couple na The House Arrest of Us ay namamayagpag pa rin sa Netflix.
May gagawin ding bagong project ang magdyowa.
Pagbabahagi ni Kath, “Excited kami sa teleserye na gagawin kasi 'yung concept nu'n, galing kay Gege, so gusto namin ni DJ talaga. Medyo na-delay 'yun kasi inaayos 'yung script. We are happy because we are working on a project na gusto talaga namin 'yung concept.”
Mapapanood daw ang nasabing bagong proyekto sa December, 2021.





Comments