ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | February 6, 2024
Ayaw paniwalaan ng madlang moviegoers at netizens na kumita raw ang pelikula nina Toni Gonzaga at Pepe Herrera na Korean adaptation titled Sassy Girl kahit pa sinabi ng ilang production staff nitey na kumita ang movie ng P5 million sa mismong opening day nito in theaters nationwide.
Ayon sa isang post sa social media ng isang netizen who took a picture of the empty seats sa isang sinehang pinagpalabasan nito sa unang araw, susubukan daw niyang i-check sa ibang mall theatres kung totoong kumita ang Sassy Girl.
Sumang-ayon naman ang isang netizen sa naunang post na maraming upuan ang bakante.
Payo nito sa mga taga-produksiyon, huwag basta-basta maniniwala sa “press release” kahit nagmula pa ito sa mismong nagdirek ng pelikula.
But come to think of it, P5M sa panahon ngayon sa unang araw ng commercial run ay hindi na masama.
Ramdam nga ang kalagayang ito pagkatapos ng MMFF 2023.
Kung P5M lang ang box office gross ng Toni-Pepe movie, may chances pa namang madagdagan pa ito sa mga susunod na araw.
Harinawa, para muling umunlad ang kita ng mga mall theaters at ng mga movie producers at maging masaya uli ang ating movie industry.
Kaya nood na kayo, madlang moviegoers na mahilig manood ng mga pelikula in theaters nationwide, okidoki?
Naging very successful naman ang benefit concert ni Charity Diva Token Lizares nito lang ding February 2, 2024 titled A Night of Music and Love na tipong pre-Valentine concert for a cause na ginanap sa Music Museum sa Greenhills.
Hindi lang ang mga guest performers ni Token ang nag-perform headed by Lance Raymundo kundi pati ang mga singing nuns of Servas de Marias na ang gagaling ding kumanta.
Ang kinita ng said concert ay itutulong ni Token sa mga madre ng Servas de Marias, sa mga maysakit, needy ones and poorest of the poor, kaya tama lang ang title na ibinigay ni yours truly kay Token na Charity Diva, in pernes.
Sa ngayon ay naglilibot sila sa mga hospitals para bigyan ng tulong ang mga may sakit na nangangailangan ng financial needs.
Pero sabi ni Token, sa pagbabalik niya rito sa Manila after ilang years siyang namalagi sa kanyang hometown na Bacolod bago pa nag-pandemic ay haharapin din niya ang naunsiyami niyang acting career.
Kabilang sa mga dumalo sa nasabing concert niya ay sina Lovely Rivero, Glenda Garcia, Melissa Yap at ilang entertainment writers to cover the event.
Dumalo rin ang isa sa kanyang mga best friends at donor na si Terry Larrazabal. Si Joel Cruz ay hindi namin nakita pero ang kanyang right-hand na si Roy Redondo ay present sa nasabing event.
'Niwey, we salute you, Charity Diva, sa walang sawa mong pagtulong sa mga maysakit at mga needy ones, as in sa mga poorest of the poor.
Mabuhay ka and may your tribe increase. More power to you!
'Yun lang and I thank you.
Comments