Kumbinasyon ng numero na dapat tayaan sa lotto
ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Numero | Pebrero 13, 2023
Dear Maestro,
Naisipan kong sumangguni sa inyo upang malaman kung ano-ano ang masuwerte naming numero ng mister ko. Sa kasalukuyan, kami ay nagtitinda ng fishball at iba pang street foods sa side walk at gusto naming dagdagan ang aming puhunan para magkaroon kami ng sariling puwesto at hindi na pinapalayas ng traffic enforcer.
Gayunman, wala kaming sapat na puhunan, kaya sana ay mabigyan n’yo rin kami ng mga mapalad na numero na maaari naming tayaan sa number games.
November 13, 1986 ang birthday ko, habang June 28, 1981 ang birthday ng mister ko.
Umaasa,
Daisy ng Dalandanan, Valenzuela City
Dear Daisy,
Ayon sa birthday mong November 13, 1986, habang June 28 1981 naman ang mister mo, ang pinakamapalad n’yong numero ay lahat ng numero na may sumatotal na 1, 4, at 7, tulad ng 1, 4, 13, 25, 34 at 40. Puwede n’yo ring subukan ang mga numerong 4, 7, 10, 22, 34 at 49, gayundin ang 7, 16, 28, 31, 40 at 44. Maaari rin kayong humugot ng kumbinasyon mula sa Cabalistic of Numbers: 241/ 902/ 884.
Mapalad naman kayong mag-asawa mula sa ika-19 ng Hunyo hanggang sa ika-28 ng Hulyo, mula sa ika-19 ng Oktubre hanggang sa ika-28 ng Nobyembre at mula sa ika-19 ng Pebrero hanggang sa ika-28 ng Marso.
Suwerte naman ang mga kulay na dilaw, berde at pula, higit lalo sa araw ng Linggo, Lunes at Biyernes. Magsisilbi mong anting-anting at panghigop ng suwerte at magandang kapalaran ang batong topaz at agate o moon stone naman para sa iyong mister.
Samantala, upang masigurado n’yo ang malaking panalo, maghanap kayo ng lotto outlet na malapit sa istasyon ng tubig o tindahan ng mineral water. Puwede ring lotto outlet na malapit sa tabing-dagat o tabing-ilog. Ang nasabing lotto outlet ang magpapatama sa inyo ng jackpot sa susunod na taong 2024 hanggang 2025, at sa edad mong 38 pataas habang 44 naman si mister.




Comments