Kumbinasyon ng dalawang earth type sign… Maligaya at masaganang pamumuhay ang naghihintay
- BULGAR
- May 31, 2023
- 1 min read
ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Numero | May 31, 2023
Dear Maestro,
May boyfriend ako ngayon at nakilala ko siya sa pamamagitan ng social media. Nag-eyeball na kami at ipinakilala na rin niya ako sa mga magulang at kapatid niya. Nais ko lang sanang malaman kung compatible ba kaming dalawa at siya na kaya ang makakatuluyan ko? Almost six months na ang relasyon namin. September 7, 1992 ang birthday niya habang May 19, 1993 naman ang birthday ko.
Umaasa,
Aira ng San Juan, San Ildefonso, Bulacan
Dear Aira,
Ayon sa zodiac sign mong Taurus at Virgo naman ang boyfriend mo, tunay na compatible kayo dahil ang Virgo at Taurus ay may iisang elementong tinataglay, ito ay ang elementong earth o lupa kung saan ang pagsasama ng dalawang earth type signs ay sadyang nagiging maligaya at masagana.
Ganundin halos ang nais sabihin sa pag-aanalisang pang-Numerology kung saan ang birth date mong 1 (ang 19 ay 1+9=10/ 1+0=1) sa destiny number na nagkataong 1 din (5+19+1993=2017/ 20+17=37/ 3+7=10/ 1+0=1) ay sadya namang tugma sa birthdate na 7 at sa destiny number na one (1) din ng boyfriend mo (9+7+1992=2008/ 20+08=28/ 2+8=10/ 1+0=1) kung saan ang weak number niyang 7 ay sadyang suweto at tugmang isama sa strong number mong 1.
Nangangahulugan na sa aspetong Astro-Numerology, tunay na tugma at compatible kayong dalawa at sa hinaharap, posible ang magaganap, kayo na ang magkakatuluyan at nakatakdang magsama sa pagbuo ng isang maligaya at panghabambuhay na pamilya, na nakatakdang mangyayari sa susunod na taong 2024 sa edad mong 31 pataas.




Comments