top of page
Search
BULGAR

Kumalat na nasa ABS-CBN na, fake raw… JENNYLYN, MALAPIT NANG PUMIRMA SA GMA-7

ni Julie Bonifacio @Winner | August 15, 2024



Showbiz News
Photo: Jennylyn Mercado

Kalat na sa socmed (social media) ang piktyur ni Jennylyn Mercado na may hawak na bulaklak at may background na malaking tarpaulin na may nakalagay na logo ng ABS-CBN.


Caption sa picture na ‘to ni Jen na kumalat sa X (dating Twitter), “BREAKING NEWS: Jennylyn Mercado isa nang ganap na Kapamilya matapos pumirma ng exclusive contract sa ABS-CBN ngayong araw ng Miyerkules. Abangan ang mga susunod na detalye sa gaganaping press conference bilang pag-welcome sa bagong Kapamilya actress.”


Agad na nag-comment ang mga netizens kung true ang naka-post sa X.


“Sa true ba ‘to o kemerut lang?”


“Legit ba ‘yan 'teh?”


“Photoshopped po ‘yang pic.”


So, para malaman ang katotohanan ay nag-send kami ng message sa talent manager ni Jennylyn. 


“Hindi po, Haha!” mensahe sa amin ni Jan Enriquez ng Aguila Entertainment and Brightburn. 


Sey pa ni Jan, “In fairness, mahusay mag-edit.”


Tinanong na rin namin si Jan kung ano na ang update sa kontrata ni Jennylyn Mercado sa GMA-7. 


“Lapit na po, Tita,” sagot ni Jan Enriquez.


So, ‘yun ang abangan!


 

PAGKATAPOS ng matagumpay na Jinseo Film Festival sa Japan, patuloy ang pag-ikot ng NDM Studios top executives na si Direk Njel de Mesa and his wife na si Ms. Jan sa paggawa ng pelikula globally.


Ang NDM Studios kasi ay hindi lamang sa Pilipinas gumagawa ng pelikula, pang-international din ang level ng movie production nina Direk Njel and Ms. Jan. 


Nauna na silang nakapag-establish ng office sa Japan, Hong Kong, at soon, sa iba pang Asian countries.


Recently, nagpa-audition si Direk Njel ng mga Pinoy na naka-based sa Taiwan para sa gagawin niyang bagong proyekto.


Ayon kay Direk  Njel, “We held auditions in Taipei because there is a project that has been long delayed that was to be shot there. It’s a romantic comedy called Eme Eme Lang.


“A film that was to be a homage to all the famous rom-coms of the past. Tungkol ito sa isang frustrated film director at isang laos na artista na nagkita sa Taipei at nagplano na gumawa ng pelikula para mang-scam ng mga manonood.”


Nagpunta rin sila sa Taipei  kasi may group ng mga OFWs sa Taiwan na gustong isali ang Malditas In Maldives sa isang prestihiyosong Taipei international film festival organized by the FTN (Filcom Taiwan Network). 

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page