top of page
BULGARY - NETIZENS, NAAARTEHAN NA KINA SARAH AT MATTEO_IG _matteog.jpeg

Kuliglig nakaladkad ng pickup, driver utas

Writer: BULGAR
BULGAR
17 hours ago
1 min read

by Janice Baricuatro @News | November 8, 2026



Kuliglig nakaladkad ng pickup, driver utas

Photo: File



Nasawi ang isang driver ng kuliglig matapos masabitan at makaladkad ng isang puting pickup truck na tumakas matapos ang insidente sa Tagaytay-Sta. Rosa Road, Silang, Cavite, kamakalawa.


Kinilala ang biktima na si alyas Armando, 55, ng Brgy. Pooc 1, Silang. Hindi pa nakikilala ang driver ng pickup na tumakas matapos ang insidente.


Batay sa imbestigasyon, sakay ang biktima ng kuliglig na may kargang saging habang binabagtas ang naturang kalsada patungong Tagaytay City. Nang mag-overtake ang kasunod na puting pickup na walang nakuhang plaka, nasabitan nito ang kuliglig at nakaladkad nang may 50 metro bago kumalas.


Sa halip na huminto, nagpatuloy sa pagtakbo ang driver ng pickup. Isinugod sa pagamutan ang biktima ngunit idineklarang dead-on-arrival. Nakuha na ng pulisya ang CCTV footage sa lugar at tinutugis na ang driver.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page