top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Kulay na dapat isuot tuwing mag-aasikaso ng papeles pa-abroad

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 21, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Numero | March 21, 2023


Dear Maestro,


Matagal na akong nag-a-apply sa abroad. Ang problema, hindi ako matuloy-tuloy sa maraming kadahilanan, laging may aberya at parang lagi akong minamalas.


Pero alam ko at naniniwala ako na makakapag-abroad din ako pagdating ng panahon dahil sabi n’yo, ang mga taong may birth date na 5 ay nakakapag-abroad.


Kailan ba ako makakapag-abroad at ano ang dapat kong gawin para suwertehin na ako sa pangingibang-bansa? June 23, 1997 ang birthday ko.

Umaasa,

Elenor ng Talon, Amadeo, Cavite

Dear Elenor,


Tingnan mo muna ang guhit ng iyong mga palad kung may Travel Line, na madalas naman nating talakayin sa Palmistry. Ito ang nagsangang tila letrang “y” na pabaliktad sa dulo ng Life Line sa ibabang bahagi ng palad, kung mayroon ka nito, tiyak na makakapag-abroad ka.


Pero minsan, kahit walang Travel Line, basta ikaw ay nagtataglay ng square type hand o hugis ng palad na hindi mabuto, bagkus ay makapal at malaman, tulad ng iniisip mo, mapapasunod mo rin ang takdang kapalaran sa gusto mong mangyari. Kahit wala kang Travel Line, may mabunga at mabiyayang pangingibang-bansa na itatala sa iyong kapalaran.


Samantala, upang suwertehin ka sa iyong pag-a-apply, ganito ang gawin mo— una, palagi kang magsuot ng pabor na kulay tuwing ikaw ay may aasikasuhing mahahalagang papeles para sa binabalak mong pag-a-abroad. Ang pabor mong kulay ay berde, itim, gray, silver at white. Maaari mong pagsalit-salitin ang paggamit ng nasabing mga kulay sa nais mong petsa, tulad ng mga petsang 7, 16, 25, 8, 17, 26, 5, 14, 23, 2, 11, 20, 1, 10, 19, 28, 4, 13, 22 at 31, higit lalo kung ang nasabing mga petsa ay natapat sa mapalad mong araw na Lunes, Miyerkules, Sabado at Linggo.


Pangalawa, sipagan mo ang pag-a-apply sa panahong ikaw ay mapalad. Ito ay mula sa ika-19 ng Setyembre hanggang sa ika-30 ng Nobyembre, mula sa ika-19 ng Enero hanggang sa ika-28 ng Pebrero at mula sa ika-19 ng Hunyo hanggang sa ika-31 ng Hulyo.


Pangatlo, kung hihingi ka ng tulong o suporta sa iyong mga kaibigan at kakilala, piliin mo ang may mga zodiac sign na Pisces, Scorpio, Capricorn, Virgo, Taurus at kapwa mo Cancer dahil sila ang may malaking maitutulong sa iyo, higit lalo kung sila ay may birth date na 8, 17, 26, 1, 10, 19, 28, 9, 18, 27, 5, 14, 23, 2, 11, 20, 29, 7, 16 at 25.


Pang-apat, maghanap ka ng agency na kulay berde, gray, puti at dilaw na logo. Ang nasabing agency ang makakatulong sa iyo upang makaalis ka ng bansa.


Ayon sa iyong Travel Calendar at sa pag-aanalisang nabanggit sa itaas, makakapag-abroad ka at ito ay nakatakdang mangyari sa susunod na taong 2024, sa buwan ng Enero o Pebrero at sa edad mong 26 pataas.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page