KRIS, P.5 MILYON ANG IPAMUMUDMOD SA B-DAY
- BULGAR

- Feb 6, 2021
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | February 6, 2021

Nag-sorry si Kris Aquino sa kanyang mga fans at followers dahil hindi niya matutupad ang ipinangako niyang mag-grant ng closet tour sa kanyang 50th birthday sa Feb. 14.
Maglilipat kasi sila at aalis muna pansamantala sa tinitirhan nila rito sa Manila. Dating sa Greenmeadows naninirahan si Kris at ang dalawang anak. Tapos, lumipat sa isang rented condo sa BGC.
Sa isang beach front house na kanilang rerentahan for six months lilipat at pansamantalang maninirahan sina Kris at Bimby. Rekomendado ng mga doktor ni Kris ang pagtira sa malapit sa dagat na makakabuti sa kanyang kalusugan. Luluwas na lang siya sa Manila para sa kanyang regular checkup.
Samantala, may pakonsuwelo si Tetay para sa kanyang mga loyal fans-followers bilang bahagi ng kanyang pagse-share ng blessings sa kanyang birthday.
Mamimigay siya ng cash gift araw-araw hanggang Feb. 14 sa mapapalad na fans na mapipili. Hanggang sa Feb. 14 ang pamimigay ng P5,000 cash gift ni Kris na posibleng umabot sa P500 K!
Kakaibang birthday treat nga ito ni Kris sa kanyang mga tagahanga!





Comments