KRIS, BINANTAAN NG DEMANDA SI DOC WILLIE, NA-WOW MALI SA FAKE AD
- BULGAR
- Apr 21, 2023
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | April 21, 2023

Nagsalita na si Doc Willie Ong sa balitang reklamo at bantang demanda laban sa kanya ni Kris Aquino at ng legal team nito.
Ginawa ito ni Doc Willie during his live session sa kanyang verified Facebook account noong Miyerkules.
"Kaibigan, pasensiya na po, ha? Grabe po itong nangyayari sa akin ngayon. Hindi ako makapaniwala," bungad ni Doc Willie na ang tinutukoy ay ang lumabas ngang isyu sa kanya at ang paglutang ng demand letter sa publiko.
"Nu'ng isang araw, nakatanggap ako ng letter mula kay Kris Aquino, sa mga lawyers niya ng cease and desist order kasi naglalabas daw ako ng fake ad gamit ang mukha niya for nuts, or for cereal, or whatever," lahad ni Doc Willie.
Ipinakita ni Doc Willie ang naturang demand letter sa kanya from Kris and her lawyers at naka-attach dito ang picture ng kine-claim na verified account niya na naglabas ng ad ng Queen of All Media na nag-e-endorse ng produkto ng pamosong "Herbal Doctor".
"Una, iba ang picture. Pangalawa, mali-mali ang spelling ng pangalan ko at maging ng misis ko na si Dra. Liza Ong. Walang check mark at walang mga followers ang naturang FB account. Hindi ako naniniwala na 'di alam ng mga tao na fake ang FB account na 'to," tukoy ni Doc Willie sa picture na nakasama sa demand letter para sa kanya.
Marami raw netizens ang nagalit kay Doc Willie sa social media at ang iba pa nga rito ay pinagmumura pa siya.
"Kaya nakita n'yo, grabe po 'yung nangyari," diin niya.
Common sense lang daw para masuri kung verified account ang nakalagay sa Facebook.
"So, nagugulat ako bakit hindi ako tinawagan ng media outlet at ikinalat na ito. Sa pagkakaalam ko, lahat ng media ay nakatanggap nito.
"Uh, sirang-sira po ang reputation natin dito. Wala po akong kinalaman at kasalanan dito. Wala po akong ginagawang masama at alam naman ng lahat na fake ito.
"Actually, ang biktima ay si Kris, pati rin po ako ay biktima rin. Pero, ang nangyari, ako ang madedemanda, na pareho kaming biktima," himutok pa niya.
Sa mga nagsasabi na hindi raw nagbigay ng babala ang nasabing doktor patungkol sa mga fake accounts na nagkalat sa socmed, depensa ni Doc Willie, paulit-ulit na niya itong ginagawa sa kanyang official and verified account sa Facebook.
Oh, siguro naman ay klaro na 'yan, ha?!





Comments