top of page

Korean star na si Kim Ji-soo, sasabak sa “Abot Kamay na Pangarap”

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 18, 2024
  • 1 min read

ni Eli San Miguel @Entertainment | August 17, 2024


Showbiz news
Photo: Kim Ji-Soo / IG - Circulations / FB

Sasabak na naman sa isang Pinoy television series ang Korean star na si Kim Ji-soo sa ikalawang pagkakataon.


Inanunsiyo ng GMA Drama nitong Sabado sa X na sasali ang aktor sa mga cast ng medical drama na “Abot Kamay na Pangarap,” kung saan gagampanan niya ang papel ng isang doktor sa APEX Medical Hospital.


Unang inilabas ang teaser ng pagsabak ni Ji-soo sa isang Instagram Reel, na ipinapakita siyang naglalakad sa loob ng ospital.


Matatandaang kamakailan lamang ay lumabas si Ji-soo sa action drama series na “Black Rider” bilang si Adrian Park. Sa seryeng puno ng aksyon, lumahok ang kanyang karakter sa isang eksena ng barilan.


Inaasahan din na bibida si Ji-soo sa pelikulang "Mujigae," kasama sina Rufa Mae Quinto, Alexa Ilacad, Lito Pimentel, at iba pa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page