Korean restaurant sumabog, 15 nadale
- BULGAR

- Jun 30, 2023
- 1 min read
ni Jeff Tumbado | June 30, 2023

Nasa 15 katao ang sugatan sa nangyaring pagsabog sa isang Korean restaurant sa Calapan City, Oriental Mindoro kahapon ng umaga.
Base sa initial report na ipinarating ng Calapan City Police Office kay Police Regional Office 4B (Mimaropa) Director Police Brig. General Joel Doria, kabilang sa mga biktima ay apat na staff ng restaurant, isang boy at 10 iba pa na malapit sa lugar ng insidente.
Nadamay din ang nasa 12 sasakyan na nakaparada kung saan nagkaroon ng grabeng pinsala dulot ng insidente.
Pasado alas-10 ng umaga nang Huwebes, Hunyo 29, nang maganap ang pagsabog sa loob ng Mr. Won’s Samgyeopsal na nasa loob ng Xentro Mall sa Bgy. Lumangbayan.
Hinihinalang gas leak ang pinagmulan ng insidente partikular sa loob ng naturang restaurant.
“We understand the concerns and anxieties of the community, and we want to emphasize that the situation is being given the highest priority,” pahayag ni Doria.
“We urge the public to remain calm and cooperative with the authorities,” ayon pa sa opisyal.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya at ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa insidente.





Comments