Kontra-COVID Pfizer vax sa edad 5-11, puwede na— FDA
- BULGAR
- Dec 24, 2021
- 1 min read
ni Mylene Alfonso | December 24, 2021

Binigyan na ng emergency use authorization (EUA) ng Food and Drug
Administration (FDA) ang bakuna kontra-COVID-19 na gawa ng Pfizer para ga-
mitin sa mga bata na may edad lima hanggang 11.
“Upon review of technical documents and evaluation of the US (United States) FDA recommendations, our experts have found that the data submitted is sufficient
for the EUA approval,” wika ni FDA director-general Eric Domingo sa Laging Handa briefing.
“Nakita naman po natin na (We observed) it is reasonable to believe that the vaccine may be effective to prevent COVID-19 and the benefits of vaccination out-
weigh the known and potential risks,” sabi ni Domingo.
Binanggit din ni Domingo na 90.7 porsyentong epektibo ang Pfizer para sa
nasabing age group. Tiniyak pa ng kalihim na mild lamang ang naging adverse effects ng Pfizer sa clinical trials sa mga bata na nag-eedad lima hanggang 11.
“‘Yun pong nakitang adverse events du’n sa clinical trial ay very mild lamang po katulad lamang ng ibang bakuna na natatanggap ng ibang bata. So, kaunting siguro po may sinisinat, kaunting pananakit du’n sa area ng injection. Pero wala pong nakitang
any unusual or important safety signals para po hindi natin mabigay itong EUA.
So, this is being granted today,” paliwanag niya.
Nilinaw pa nito na iba ang dosage sa mga bata kumpara sa mga matatanda.
“Ito po ay mas mababang dosage at hindi lamang po ‘yun, ‘yung concentration
din po nu’ng vaccine ay mas mababa din po kaysa du’n sa ginagamit sa adults nga-
yon,” pahayag niya.
Dagdag pa ni Domingo na inabisuhan na ng kanilang hanay sina vaccine czar Sec.
Carlito Galvez at Health Secretary Francisco Duque III na bumili ng hiwalay na bakuna ng Pfizer.





Comments