Konstruksiyon, operasyon ng Monterrazas de Cebu, ipinatigil ng DENR
- BULGAR

- 13m
- 1 min read
by Info @News | November 15, 2025

Photo File: Monterrazas de Cebu / SS FB
Ipinahinto na ang pagtatayo at operasyon ng Monterrazas de Cebu dahil sa naiulat na environmental violations mula nang itayo ito, ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) regional director Laudemir Salac.
Aniya, natuklasan ng ahensya ang pagputol sa mahigit 700 puno sa naturang lugar nang walang permit.
Bukod dito, nilabas din umano ng proyekto ang 10 sa 33 conditions sa kanilang environmental compliance certificate.
Kaugnay nito, tiniyak ni Salac na hindi na muling mag-o-operate ang proyekto maliban na lang kung maaayos ang nasirang detention pond.








Comments