top of page

Konsehal, gumawa lang ng bata, 'di kayang magsustento, idemanda raw…

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 18, 2021
  • 2 min read

HIRIT NG NETIZENS: JOMARI, BUHAY MO NGA, 'DI MO MAAYOS, PARAÑAQUE PA!

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | January 18, 2021




Trending topic ngayon sa social media ang inilabas na hinaing ng ex-live-in partner ni Jomari Yllana na si Joy Reyes kung saan may dalawa siyang anak na diumano'y inabandona niya.


Ayon sa post ni Joy, umabot sa P100,238.38 ang bill ng kuryente nila sa bahay na gusto niyang pabayaran kay Jomari bilang obligasyon nito sa dalawang anak nila.


Naputulan daw sila ng kuryente dahil hindi binabayaran ni Jomari kaya nagtitiis sa init ang dalawa nilang anak.


At dahil binlock na raw siya ni Jomari sa socmed, humingi siya ng tulong sa publiko na iparating ito sa ama ng kanyang mga anak na ngayon ay konsehal sa Parañaque City.


May isang concerned netizen ang nagpaabot kay Jomari ng hinaing ni Joy pero imbes maawa ang aktor sa ex at mga anak, binara pa nito ang una.


Pasarkastikong sabi ng actor-politician, “Sana, ginagamit din ang isip paminsan-minsan. Nakapag-post sa FB, nakapag-picture sa cellphone at may internet. Oh, 'di ba, naputulan ng kuryente pero nakakapag-post at merong internet. Sana ol.”


Heto naman ang komento ng mga netizens…


“Kung matigas talaga, idemanda na niya. Akala ko, nice person siya, hindi pala.”


“Ang taong iresponsable, dapat gumagamit ng condom!”


“Ba't 'di gawing legal 'yung sustento sa dalawa niyang kids? Child support kumbaga para walang away."


May nagtaka naman kung bakit umabot sa mahigit P100 K ang Meralco bill ni Joy.


“Ba't umabot sa P100K kuryente n'yo, ate gurl? 24 hrs ba open AC n'yo? Mag-adjust kung wala namang pambayad.”


“Sana, magtrabaho din si girl! 'Wag iasa sa lalaki lalo na't walang kuwenta ang ama ng mga anak niya. Just saying.”


“Tama! Kung wala palang sustento, bawasan na 'yung aircon, magtipid sa kuryente, etc. 'Wag umasa sa iba. Matutong magtaguyod ng pamilya at tumayo sa sariling paa.”


May mga nagtanggol naman kay Joy at ang sabi, “Victim blaming naman kayo. Siya nga 'yung inabandona. Tama lang 'yun. Kunin niya 'yung para sa mga anak niya. Buhay-binata naman si Jomari. Akala mo, walang responsibilidad. Sila ni Abby Viduya, pasyal-pasyal lang.”


“Ang kapal naman ni Jomari. 'Yun lang masasabi ko.”


“Dalawang maliliit na bata pa 'yang iniwan sa kanya na edad 1 at 2 y/o. Grabe, napakairesponsable ni Jomari. Dapat diyan, kasuhan para mapilitan buwan-buwan magbigay.”


“Magtipid ka, girl, at magtrabaho… Walang tulong din 'yan sa isang anak niya. Mag-isang pinapalaki ng nanay. 'Di ka mag-expect na babayaran niya 'yan.”


“Demanda mo pero sana 'wag kalimutan na kumilos din on your own. 'Wag kang dependent sa ibang tao financially. You’re a parent so dapat, diskartehan mo rin 'yung needs and wants ng family mo.”


Sa mga komento namang ito, hindi kaya masaling ang ego ni Jomari?


“Bakit hindi idemanda para matutong sumustento sa mga anak? 'Wag daanin sa socmed, daanin sa batas, tingnan ko lang hindi lumabas ang gatas. Jomari, bago ka lumandi, siguraduhin mo muna na may pambuhay ka. Ano'ng klase kang tao? Buti pa 'yung aso, nagpapadede sa anak.”


“Bakit ang daming victim blamer dito? In the first place, responsibilidad ng lalaki na sustentuhan ang mga anak niya. Kung hindi mo pala kaya, dapat bumili ka ng Trust sa convenience store, nasa P50-100 lang 'yun.


“Lakas ng loob sumabak sa pulitika, eh, buhay mo nga, Jomari, 'di mo maayos. Parañaque pa kaya?”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page